MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Lansones (Buod)

Alamat Ng Lansones (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong araw, ang bunga ng lansones ay hindi pinapansin ng mga taga laguna. Takot silang kainin ito nung minsang may isang matandang pulubi na kumain at kalaunay, nag bula ang bibig.

Lumipas ang maraming taon, patuloy pa rin ang pamumunga at paglaglag ng lansones na hindi pinapansin ng mga tao.

Isang araw, may isang magandang diwata ang napadpad sa ilalim ng puno ng lansones. Walang sinumang nakakakilala dito. Nabalita sa buong bayan ang tungkol sa diwata at agad nilang sinubaybayan ito.

Nakita nila nang pumitas ito ng ilang bunga ng lansones at agad na kinain ito. Lubhang nag alala ang mga tao sa paligid na pwede matulad ang diwata sa matandang pulubi.

Lumipas ang mga araw at wala namang masamang nangyari sa diwata. Naisip ng mga tao na maaring may ginawa ang diwata dito.

Pumitas sila at napansin na tila may mga kurot ang bunga ng lansones.

Marahil ay kagagawan ito ng diwata, itong nag alis ng lason sa lansones.

Mula noon, kinakain na ang lansones.