MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Kalabasa (Buod)

Alamat Ng Kalabasa (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

May isang batang nag ngangalang Kuwala, siya ay anak ni Aling Disyang, isang mahirap na mag-gugulay. Ulila na sa ama si Kuwala kaya't ang ina na lamang nito ang nagtaguyod sa kanya.

Mabait na bata si Kuwala. Maliit pa lamang ay mahilig na itong magbasa ng mga libro. Ito na ang itinuring nyang libangan. Dahil sa madalas na pagbabasa, binansagan syang Kuwalang basa ng basa.

Matalino ang anak kaya't nagsikap si Aling Disyang na matustusan ang pag aaral ni Kuwala.

Tag-ulan noon nang isang hapon ay umuwing may mataas na lagnat si Kuwala. Inireklamo ng anak ang kahirapan sa paglunok. Nagsuka rin ito ng nagsuka. Palibhasa ay salat sa pera, di rin agad nadala ni Aling Disyang ang anak sa doktor. Nang masuri naman ito ay malala na ang kondisyon.

Paralytic poliomyelitis ang umatake sa resitensya ni Kuwala. Ilang linggo lang ang nakaraan ay binawian din ito ng buhay.

Lubhang nalungkot si Aling Disyang sa sinapit ng anak. Upang mawala ang lungkot ay itinuon na lamang nito ang panahon sa pag aasikaso ng tanim na gulay.

Isang araw, may kakaibang halaman ang tumubo at nagbunga sa taniman ni Aling Disyang. Kulay dilaw at bilog ang bunga noon.

Natuklasan ng mga kumain ng gulay na iyon na ito ay may bitamina at nakakapagpalinaw ng mata.

May nagtanong kung saan galing ang gulay na iyon. Ang sabi ng tinanong ay galing ito kina Kuwalang basa ng basa.

Nagpasalin salin ang salitang iyon sa bibig ng marami at kalaunay naging "Kalabasa"