Home / Alamat Ng Sampaguita (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon sa bayan sa gawing Norte, may isang napakagandang dilag na nag ngangalang Liwayway.
Ang kanyang ganda ay nakarating sa malalayong bayan kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit napakaraming manliligaw ng dalaga.
Isang araw, mula sa hilaga, ang isang grupo ng mangangaso ay napadpad sa luagr nina Liwayway. Si Tanggol, isa sa mga mangangaso ay lubhang nasugatan ng inatake ito ng baboy-ramo.
Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway upang gamutin at iyon ang nagbigay daan upang magkakilala si Liwayway at Tanggol.
Umibig sila sa isa't isa.
Nang gumaling si Tanggol ay nagpaalam na ito kay Liwayway at nangakong susundin ang magulang ni Liwayway upang pormal na hingin ang kamay ng anak.
Puno ng pag asa si Liwayway nang ihatid nito si Tanggol.
Subalit ang pag-asang iyon ay naglaho sapagkat ilang bwan na ay di pa bumabalik si Tanggol.
Isang dating manliligaw ni Liwayway ang nanira sa binata.
Sinabi nitong si Tanggol ay di na babalik sapagkat ito'y may asawa't anak na.
Puno ng lungkot, pangungulila at sama ng loob, nagkasakit si Liwayway at kalaunay namatay.
Bago namatay si Liwayway ay binanggit nito ang mga katagang.. "Isinumpa kita...sumpa kita!"
Ilang araw na ang nakararaan nang biglang bumalik si Tanggol kasama ang magulang. Di ito nakabalik agad sa kadahilanang nagkasakit ang ina niya.
Hindi matanggap ng binata ang balita na wala na si Liwayway.
Araw araw ay halos madilig ng luha nya ang puntod ng kasintahan
Isang araw ay may napansin ang binata sa ibabaw ng puntod ni Liwayway.
Isang misteryosong halaman na ang bulaklak ay ubod ng bango.
Tinawag iyong "sumpa kita".
Ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay.
Ang sumpa kita ay ang pinang galingan ng salitang "Sampaguita"
Subukan mo ding basahin ang ibang mga Alamat: