Home / Alamat Ng Baguio: Ang mina ng Ginto (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, may isang lugar sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk.
Naninirahan dito ang mga igorot at isa na dito si Kunto.
Bata pa lamang si Kunto ay nakitaan na ng kakaibang lakas at tapang. Kaya't ito ay napiling tagapamuno ng Suyuk.
Ang mga naninirahan sa Suyuk ay namumuhay ng tahimik at taon-taon ay nagdaraos ng caao bilang pasasalamat sa mga anito.
Kung magdaos sila ng caao ay nagpapatay sila ng baboy at iniaalay sa bathala.
Isang araw ay nagpunta si Kunto sa kagubatan upang mamana. Di pa sya nakakalayo ay may nakita siyang isang uwak at nakatayo ito mismo sa patutunguhan nya.
Lumakad si Kunto papalapit sa ibon ngunit ito ay hindi gumagalaw.
Nang malapit na si Kunto ay bigla syang napatigil sapagkat ito ay tumango sa kanya ng tatlong beses.
Bagamat matapang ay nakaramdam din si Kunto ng takot. Hindi na tumuloy si Kunto sa pamamana at isinangguni na lang nito sa mga nakakatanda ang nakita nyang uwak at ang ikinilos nito.
"Marahil ang ibong iyon ay ang ating bathala at ipinapaalala na dapat tayong magdiwang ng caao" saad ng matanda.
"Kung ganoon ay magdiwang na tayo ng caao" saad naman ng isa.
Nang ang lahat ay nakahanda na ay humuli sila ng isang baboy na iaalay sa bathala.
Inilagay nila ito sa altar na ginawa nila sa taas ng kabundukan.
Ngunit anong himala ng biglang ang baboy ay nag anyong tao.
Nagulat ang lahat ng magsalita ito.
"Wag kayong matakot, dahil kayo'y mabubuti ay gagantimpalaan ko kayo basta't sundin nyo lamang ang aking sasabihin. Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay sa aking tabi. Pagkatapos ay takluban ninyo ako ng malaking palayok. Ipagpatuloy nyo ang caao at pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik kayo dito" saad ng misteryosong matanda.
Ginawa naman ng mga taga nayon ang bilin ng matanda.
Saad pa ng matanda ay makakakita ang mga taga nayon ng isang puno na di pa nila nakikita. Ang bunga, dahon at sanga daw nito ay maari nilang kuhanin ngunit wag lamang gagalawin ang katawan.
Pagkalipas ng tatlong araw ay bumalik ang mga taga nayon. Totoo ang sinabi ng matanda sapagkat naroon ang maliit na puno sa ilalim ng palayok na itinaklob ng mga taga nayon.
Pumitas si Kunto ng isang gintong dahon at maya maya lamang ay napalitan agad ito ng panibagong dahon. Natuwa ang lahat at isa isa silang kumuha.
Sa loob ng napakaiksing panahon ay yumaman ang mga taga Suyuk. Ngunit hindi nawala ang inggitan.
Nang tumagal ay namalayan na lamang nila na ang puno ay napakataas na at di na maabot ang mga dahon at bunga.
"Kay taas na ng puno at di na natin maabot ang dahon at bunga, mabuti pa ay putulin na natin ito" saad ng isa.
Tinaga ng tinaga ng mga taga nayon ang puno at ito naman ay nabuwal.
Nayanig ang lupa at nakarinig ang mga taga nayon ng isang tinig.
"Kayo ay nabigyan ng gantimpala ng kabutihan ngunit sa halip na mag ibigan ay inggit at pag-iimbot ang naghari sa inyong mga puso" saad ng misteryosong tinig.
At pagkatapos marinig ang tinig ay nilamon ng lupa ang mga taga nayon.
Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio. Makakakuha ka lamang nito sa paghukay ng lupa.
Subukan mo ding basahin ang ibang mga Alamat: