MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Paru-Paro (Buod)

Alamat Ng Paru-Paro (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang diwatang ubod ng pangit. Ang mukha nito'y mapula at kulubot. Ang kasuotan nya ay lumang luma na at tila may basahang nakapulupot sa kamay nito.

Ang bahay nito ay nakatayo sa tabi ng magandang dalampasigan. Napakaganda ng tahanan nito na kulay bahaghari. Ang hardin ng kanyang tahanan ay napapalibutan ng magagandang bulaklak. Ang lahat ng taong mapadaan doon ay nabibighani sa ganda ng mga bulaklak na iyon.

Isang umaga, may isang batang lalaki at babae ang lumayas sa kanilang tahanan. Ang mga bata ay anak mahirap at hindi na pumapasok ng paaralan. Sila'y naging palaboy.

Sa kabila nito ay naging masaya ang dalawang bata. Sa paglilibot nila ay napadpad sila sa hardin ng pangit na diwata.

"Ligaya, masdan mo ang mga bulaklak kaygaganda!" saad ng batang lalaki

"Nakikita ko Malakas! Kaygaganda nga!" saad naman ng batang babae

Pumasok ang dalawang bata sa may hardin ng diwata.

"Wala yatang nakatira dito" saad ni Ligaya

Nasiyahan ang dalawang bata sa natuklasan. Si Malakas ay umakyat pa ng puno upang kumain. Pinatakan din nya si Ligaya ng matamis na katas ng prutas.

Napagkasunduan ng dalawang bata na doon na tumira. Kaybilis ng oras at nakalimot na ang dalawang bata kung nasaan sila hanggang sa biglang dumating ang diwata na galing pala sa dalampasigan.

"Bakit kayo pumasok dito? Anong ginagawa nyo?" Saad ng diwata na halatang galit.

Natakot ang dalawang bata.

"Ka-Kaygaganda po kasi ng mga bulaklak" sabay na pagkakasabi ng dalawang bata

"Bakit hindi kayo humingi na pahintulot mula sa akin?" muling tugon ng diwata.

Agad na nagsisi at humingi ng tawad ang dalawang bata.

Naunawaan naman ito ng diwata.

"Kami po'y kapwa ulila, gawin nyo na lamang po kaming alila. Handa kaming magsilbi"

Napaisip ang diwata sa suhestiyon ng dalawang bata.

Pagkalipas ng ilang sandali ay bumulong ng mga salitang engkanto ang diwata at namangha naman ang dalawang bata.

Ilang sandali pa ay nagbago ang anyo ng diwata, isang maganda at kumikinang na diwata ang ngayo'y nasa harap ng dalawang bata.

"Dahil sa inyong pagkawili sa mga bulaklak ngayo'y gagawin ko kayong hardinero at maari kayong magpasasa sa mga bunga"

Pagkasabi pa lamang noon ay nagbagong anyo ang dalawang bata.

Si Ligaya at Malakas at naging mga paru-paro na duma dapo-dapo sa mga halaman at bulaklak.

"Sa halamang ito'y mabubuhay tayo nang mahabang panahon!" saad ni Malakas. "Mula ngayon tayo ay mga paru-paro ng diwata" tugon naman ni Ligaya.

Mula noon ay lagi nang may mga paru-paro sa hardin ng diwata.