MARVICRM.COM

Home / Talambuhay Ni Jose Rizal (Buod)

Talambuhay Ni Jose Rizal (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Narito ang buod ng talambuhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Si Pepe o "Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda" ay ipinanganak sa bayan ng Calamba noong ika 19 ng Hunyo taong 1861. Tatlong araw matapos ipanganak ay bininyagan si Pepe sa tulong ng paring si Rufino Collantes.

Si Pepe ay ikapito sa labing isang magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina (ayon sa pagkakasunod sunod ng kapanganakan)

  1. Saturnina Rizal (1850-1913)
  2. Paciano Rizal (1851-1930)
  3. Narcisa Rizal (1852-1939)
  4. Olympia Rizal (1855-1887)
  5. Lucia Rizal (1857-1919)
  6. Maria Rizal (1859-1945)
  7. -- Pepe --
  8. Concepcion Rizal (1862-1865)
  9. Josefa Rizal (1865-1945)
  10. Trinidad Rizal (1868-1951)
  11. Soledad Rizal (1870-1929)

Sa lahat ng kapatid ni Rizal ay tanging si Concepcion o Concha ang hindi umabot ng wastong edad. Si Concha ay nagkasakit at namatay noong tatlong taong gulang pa lamang. Kaya't si Rizal ay lubhang nagdalamhati.

Noong tatlong taong gulang pa lamang ang batang si Pepe ay marunong na itong magbasa ng alpabetong Filipino sa tulong na rin ng kanyang ina.

Inupahan din ng kanyang ama ang isang tutor na nag ngangalang Leon Monroy upang si Rizal ay mahasa pa sa pagbasa at pagsulat.

Si Monroy ay kaklase din ng kanyang ama.

Sa loob ng limang buwan ay tinuruan din nito ang batang si Rizal ng salitang espanyol at latin. Bukod dito ay naging tutor din ni Rizal sina Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua.

Noong mga panahong ding iyon ay tinulungan din ng kanyang tiyo Manuel (Na pinsan ng kanyang ina) ang payat pa noong si Rizal upang maging malusog ang pangangatawan nito.

Taong 1869, sa edad na walo ay naisulat ni Rizal ang tulang "Sa Aking Mga Kabata". Sa taong ding ito unang nag aral si Rizal sa BiƱan, Laguna sa pangangalaga ni Maestro Justiniano Aquino Cruz.Kasama ang nakatatandang kapatid na si Paciano ay nagtungo sila sa bahay ng guro.

Ang eskwelahan ay sa mismong tahanan din ng Maestro na dati ring guro ni Paciano.

Sa larangang akademiko ay nanguna si Rizal sa eskwelahang iyon.

Taong 1875 sa edad na 15, nag aral si Rizal sa Ateneo Municipal de Manila at nagtapos sa kursong Bachelor of Arts Degree na may pinakamataas na parangal.

Nag aral din si Rizal ng kursong Philosophy ngunit noong taong 1878 ay nagpasyang lumipat sa kursong may kinalaman sa Ophthalmology sapagkat ang kanyang ina ay nagkaroon ng sakit sa mata.

Taong 1882 ang unang pag luwas ni Rizal ng bansa patungong Espanya. Dito ay nagpakadalubhasa si Rizal sa pagiging espesyalista sa mata sa ilalim ng tanyag na si Professor Otto Becker.

Bukod sa pagiging doktor ay isa ring pintor, iskultor, guro, farmer, manunulat, bihasa sa fencing at martial arts. Hindi lang dito bihasa si Rizal, maging sa iba't ibang lengwahe ay alam nito. Sumatotal ay dalawamput dalawang lenguwahe ang kanyang alam.

Sa larangan nang pag-ibig ay naging makulay din istorya ni Rizal. Sa katunayan ay mahigit sampung babae ang napaibig ni Pepe at ang ilan dito ay sina:

  1. Segunda Katigbak
  2. Binibining L
  3. Leonor Valenzuela
  4. Leonor Rivera
  5. Consuelo Ortiga
  6. O Sei San
  7. Gertrude Beckett
  8. Nellie Boustead
  9. Suzanne Jacoby
  10. Josephine Bracken

Taong 1895 sa Dapitan, si Josephine Bracken ay nakilala at nakatuluyan ni Rizal. Bagamat di kasal sa simbahan ay nagsama sila bilang mag asawa. Nag karoon sila ng isang anak ngunit kalauna'y namatay din matapos makunan si Josephine.

Noong August 1, 1896 nang magpasyang umalis si Rizal at si Josephine patungong Cuba ngunit sa Espanya pa lamang ay naaresto na si Rizal at ikinulong sa Barcelona noong October 6, 1896. Ang pagiging kaanib di umano ni Rizal sa katipunan ang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. Noong araw ding iyon ipinadala si Rizal pabalik ng Pilipinas at ikinulong sa Fort Santiago at doon ay nahatulang mamatay.

Noong Disyembre 30, 1896 alas siyete ng umaga, binaril at namatay si Jose Rizal.

Ang pambansang bayani ng Pilipinas.


Basahin din ito, Mga babae sa Buhay ni Rizal

Mga Babae sa Buhay ni Gat Jose Rizal