Home / Alamat Ng Lamok (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, sagana ang lahat ng tao sa bayan ng Tungaw. Mataba ang lupang kanilang sinasaka. Masaya ang mga taong nandoon ngunit marumi sila sa kanilang kapaligiran.
Madalas silang nagtataponng basura sa kanilang bakuran. Nagkalat ang samu't saring basura.
Isang araw, ang lahat ay natakot sa unti-unting pagkawala ng mga tao sa kanilang bayan. Walang nakakaalam kung saan napunta ang mga ito.
"Magbantay kayo sa lahat ng sulok!" saad ng hari
Kinagabihan ay biglang lumitaw ang isang higante na nagngangalang "Amok". Si Amok ay kumain ng taong marurumi.
"Wala ng sasarap pa sa maruruming tao!" saad ng higante.
Tila walang kalaban laban ang mga tao sa higante.
"Nasasarapan ang higante sa ating karumihan, siguro ay maglinis tayo ng paligid upang umalis ito". utos ng hari
Ang lahat ng tao sa kanilang lugar ay naglinis ng paligid at muli ay handang ipaglaban ang kanilang bayan.
Nang muling sumalakay ang higante at pinaulanan nila ng pana ang higante sa dibdib ngunit ito'y hindi tinablan.
Wala sa dibdib ang kahinaan ng higante.
"Nasaan kaya?" tanong ng hari
Walang sinuman ang nakakaalam
Nag isip ang hari ng paraan para malaman ang kahinaan ng higante.
Nagkunwari itong patay at napasama sa mga kinuha ng higante at dinala sa isang kweba.
Sa kweba ay nandoon ang anak nitong batang higante.
"Narito ang iyong pagkain, magtipid ka" saad nito sa anak na higante. Agad namang umalis ang matandang higante.
Nang makaalis na ay biglang bumangon ang hari at agad na binunot ang kanyang espada.
"Nasaan ang kahinaan ng iyong ama?" galit na saad nito sa batang higante na tila natatakot.
"Hindi ko sasabihin!" saad ng batang higante
"Kung gayon ay papatayin kita!" saad ng hari
"Wag! nasa ilong ang kahinaan ng aking ama.. pagka't nasasarapan sya sa amoy ng mababaho at marurumi".
Nang malaman ng hari ay agad itong pumunta sa bayan at sinalakay ang higante sa pamamagitan ng pag akyat sa puno.
Mabilis na tinaga ng hari ang ilong nito. Ang higante ay lubos na namilipit sa sakit.
Sa tulong ng mga taga bayan ay naitali nila ang higante atito'y kanilang sinunog.
Itinapon ng taumbayan ang abo nito sa maruming ilog.
Mula noon, tumahimik na ang kanilang lugar. Ngunit pagkaraan ng ilang araw ay nagulat ang mga taga bayan sa maliliit na insektong nanggaling sa maruming ilog.
Ito ay umaatake sa kanila tuwing gabi at naninipsip ng dugo.
Naalala ng hari ang higanteng mahilig sa marurumi. Kaya't inutos nito na linisin ang maruming ilog. Mula noon ay dumalang na ang mga maliliit na insekto.
Kinalaunan ay tinawag nila itong "Lamok" na hango sa pangalan ng higanteng si Amok.