Home / Ang Batang May Maraming Bahay (Buod)
Kwento Ni Genaro R. Gojo Cruz
Disclaimer: This post is for educational purpose only. This work is copyrighted by the author.
Kapag magsisimula na akong magkuwento tungkol sa aming mga bahay, hihintosa paglalaro sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-Tim.
Uupo sila sa aking harapan at makikinig saaking kuwento. Kapag ipinakikita ko na ang amingmga bahay, nanlalaki ang kanilang mga mata. Disila makapaniwala.
Maraming-marami kaming bahay, Kahit pa pagsama-samahin ang lahat ng bahay ngsinumang mayayaman, walang tatalo sa dami ng aming bahay.
Buo pa rin ang mga kapis nitongbintana. May bubong itong sintaas ng kapilya. Gustong kong maupo sahagdanan nitong kahoy, para akong bumabalik sa lumang panahon,unakong kuwento. Sana magkaroon kami ng ganyang bahay, sabi ni Lara.
Nasa gitna ng kagubatan ang pangalawa namingbahay. Kahit sa malayo, kitang-kita itong parangputing palasyo. Sa loob, makikita ang malakinghagdanang pabilog, patungo sa ituktok. Malalakiang bintana nitong salamin. Gustong-gusto kongpumunta sa ituktok nito, tanaw ko ang malawak nakagubatan,sunod kong kuwento.
Yan ang pangarap kong bahay. singit ni Ningning. Nasa ituktok naman ng bundok ang sunod namingbahay. Maraming tao ang namamangha kung paanongnaitayo ito sa ituktok ng bundok. Gawa ito sa bato kaya diito kayang tangayin ng bagyo. Sa pagtulog, hinehele paako ng huni ng mga ibon, sunod kong kuwento.
May bahay rin kami sa lugar na laging malamig.Napalilibutan ito ng mga bulaklak at matandang puno ng pino.Kapag mainit sa iba naming bahay, dito kami pumupunta.Gustong-gusto ko itong bahay namin dahil parang laging Pasko.Lagi akong nakasuot ng pangginaw.Ako na talaga ang batang may pinakamaraming bahay!
Di nagsasawa sina Lara, Ningning, Kekek, at Tim-tim sa akingmga kuwento. Sabik na sabik lagi sila sa mga bagong dagdag nabahay sa aking kuwento.
Koko! Koko! Halika na, ligo tayo sa ulan! aya nila sa akin.Naligo kami sa ulan. Tumapat sa alulod ng mga bahay. Nagtampisawsa biglang luminis sa kanal. Masaya kaming magkakaibigan.Walang tigil ang ulan. Umuulan ng matulog ako, at nangmagising ako, umuulan pa rin.
Nag-alala sina Nanay at Tatay, pati si Yeye na kahapon lang aytuwang-tuwa sa maliit na ilog sa loob ng aming bahay.Biglang tumaas ang tubig sa loob ng bahay. Natakot kaminglahat!
Mang Ruben! Aling Nene! Sumama na kayo sa basketball court!Mas ligtas tayo roon! aya ng aming kapit-bahay.Sa pagmamadali nina Tatay at Nanay, wala kaming nadalanggamit. Agad kaming pumunta sa basketballcourt bago pa lumubog sa tubig ang bahaynamin.
Maraming pamilya sa basketball court. Buti na lang, maynagpahiram sa amin ng damit, kumot, at banig. May nagbigayng mainit na noodles, tinapay at kape. Ilang araw rin kamingtumira sa basketball court.
Paghupa ng baha, bumalik kami sa aming bahay pero wala nakaming nadatnan. Puwede pala kaming mawalan ng bahay?Nag-iiyak si Nanay.
Tinangay ng baha ang aming bahay pati ang mga bahay naginupit at idinikit ko sa aking notbuk.Makakagawa uli tayo ng bago nating bahay, sabi ni Tatay.
Nakita ko uli ang kasipagan ni Tatay. Wala siyang tigil sapangangariton. Lahat ng puwedeng gawing bubong, dingding, sahig, atbintana ng aming bahay, pinupulot niya-karton, tabla, kahoy, yero,sirang gulong, pako, at alambre.
Isang araw nang umuwi si Tatay, nakita ko uli ang tambak nadiyaryo at makukulay na magasin sa kanyang kariton.Gusto ko sanang buklatin uli ang mga ito para gupitin angmagagandang bahay na aking nakikita. Gusto ko uling magdikit ngmga bahay sa aking bagong biling notbuk.
Gusto kong magkuwento uli kina Lara, Ningning, Kekek, at Tim- Tim ng tungkol sa aming mga bahay. Gusto ko uling maging batang may pinakamaraming bahay.
Pero may mas mahalagang dapat gawin kaysa naiisip ko.Kailangan akong tumulong kina Tatay at Nanay. Kailangan kongalagaan at pasayahin si Yeye para mawala na ang takot niya sa baha.
Isa pa, alam kong di na rin interesado sina Lara, Ningning,Kekek, at Tim-Tim sa aking kuwento.
Tiyak na mas gusto nilang makita ang aming bagong bahay.Tiyak na may mga kuwento rin sina Lara, Ningning, Kekek, atTim-Tim tungkol sa kanilang mga bahay.
Nagpapasalamat pa rin akodahil kasama ko pa rin sina Tatay, Nanay, Yeye, at ang aking mgakaibigan. Puwedeng mawala ang lahat nabagay sa akin pero di ang akingmahal na pamilya at ang aking mga kaibigan.