MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Aso (Buod)

Alamat Ng Aso (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, mayroong mag kaibigan na at ito ay sina Lito at Masong. Maliliit pa sila ay lagi na silang magkasama.

Nanatiling maganda ang samahan nila hanggang sa magbinata. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan hanggang sa gubat at bukid ay lagi silang magkasama.

Isang araw, hindi inaasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang karamdaman ni Masong, hanggang sa humantong ito sa kanyang kamayatan.

Labis na ikinalungkot ito ni Lito. Araw-araw nyang dinadalaw ang puntod ng kaibigan at minsan ay kinakausap nya ang puntod nito.

Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito at pinigilan sya ng ina upang dalawin ang puntod ni Masong. Ilang araw syang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ni Lito ay may isang maliit na hayop na tila nag babantay sa harap ng kwarto ni Lito. kahit anong pagtataboy ng ina ni Lito ay balik ito ng balik.

Nang makabawi na ng lakas ay ang puntod ni Masong ang agad na pinuntahan ni Lito. Doon nya nakita ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina.nakatayo ito sa harap ng puntod ni Masong at tila kumakaway ang buntot nito.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag uwi nya. Natutulog ito sa paanan nya at pag gising sa umaga ay sasalubungin sya ng kahol at kawag ng buntot.Dahil dito ay nalimutan ni Lito ang kanyang lungkot sa pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan nyang Masong ang hayop at kalaunay naging "Aso"