MARVICRM.COM

Home / Bahagi at uri ng Liham Pangkaibigan

Bahagi at uri ng Liham Pangkaibigan

enter image description here


Source: Google Images

Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang magpa-abot ng mensahe sa iyong kaibigan o sa taong malapit sa buhay.

Narito ang ilang uri at halimbawa ng liham pangkaibigian.

1.) Liham pangungumusta
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin sa taong matagal nang di nakikita. Halimbawa

Mahal Kong Kaibigan,

Kamusta kana? kahit matagal na tayong di nagkikita ay di parin ako nakakalimot. Ako ngayon ay isa nang ganap na doktor. Sana ay nasa mabuti kang kalagayan

Nagmamahal,Jose

2.) Liham Pagbabalita
Ang ganitong uri ng liham ay madalas ginagamit upang ipaalam sa taong susulatan ang mga pangyayari mula sa taong nagpadala ng sulat. Halimbawa

Mahal Kong Kaibigan,

Kamusta kana? Nais ko lang ipaalam sa iyo na nakapasa ako sa bar exam at ngayon ay isa nang ganap na abogado. Sana ay maabot mo din ang mga pangarap mo.

Nagmamahal,Jose

3.) Liham Paanyaya
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang ipaabot sa taong sinulatan ang isang paparating na kaganapan tulad ng birthday, binyag at kasal. Halimbawa

Mahal Kong Kaibigan,

Kamusta kana? Nais ko lang ipaalam sa iyo na ako ay malapit ng ikasal at nais kong imbitahan ka sa darating na ika-labing anim ng Hunyo taong 2019

Nagmamahal,Jose

4.) Liham Pagtanggap o Pagtanggi sa Paanyaya
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang ipaabot sa taong nagpadala ng paanyaya na di ka makakadalo sa kaganapan. Halimbawa

Mahal Kong Jose,

Natanggap ko ang iyong liham na paanyaya sa iyong kasal, subalit ipagpaumanhin mo na hindi ako makakadalo sa kadahilanang aalis ako ng bansa sa petsang nabanggit mo. Ngunit sumaiyo ang aking pagbati at nawa'y maging maligaya ka sa araw ng iyong kasal.

Lubos na gumagalang,Pedro

5.) Liham Pagbati
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang ipaabot sa taong susulatan ang pagbati sa tagumpay na natamo. Halimbawa

Mahal Kong Jose,

Natanggap ko ang iyong liham ay ako'y lubos na nagagalak sa iyong pagkapasa bilang isang abogado. Nawa'y pagpalain ka ng maykapal at maging matagumpay sa iyong landas na tatahakin.

Lubos na nagagalak,Pedro

6.) Liham Pasasalamat
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang ipaabot sa taong susulatan ang iyong pasasalamat

Mahal Kong Jose,

Natanggap ko ang iyong padalang package na naglalaman ng mga damit pambata. Lubos akong nagagalak sapagkat malaking tulong ito sa ating charity.

Lubos na nagpapasalamat,Pedro

7.) Liham Paumanhin
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang ipaabot sa taong susulatan ang pag hingi ng paumanhin

Mahal Kong Jose,

Natanggap ko ang iyong liham at muli ako ay humihingi ng paumanhin sa aking nagawa noong nakaraang linggo at nangangakong ito ay hindi na mauulit.

Lubos na gumagalang,Pedro

8.) Liham Pakikiramay
Ang ganitong uri ng liham ay madalas gamitin upang ipaabot sa taong susulatan ang pakikiramay sa pagyao ng taong malapit sa buhay nito.

Mahal Kong Jose,

Natanggap ko ang iyong liham at ang balita na pagyao ng iyong lola. Tanggapin mo ang aking pakikiramay at sa makalawa ay pupunta ako diyan upang ihatid ang kaunting tulong.

Lubos na gumagalang,Pedro