MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Anay (Buod)

Alamat Ng Anay (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang batang nag ngangalang Ranay ang nakatira sa bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat mahirap ang kanyang mga magulang ay alaga sya sa masasarap na pagkain. Nag-iisang anak sya ng kanyang ama't ina.

Mahal na mahal si Ranay ng kanyang mga magulang. Halos gawin syang prinsesa ng mga ito at ayaw pagawain sa bahay. Sustentado syang mabuti sa pagkain.

Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain ng kumain. payat na payat na ang kanyang mga magulang upang matustusan lamang ang pangangailangan nya. Kahit ano ay masarap sa panlasa nya.

Dumating and hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang.

Dahil ang alam lang ay kumain, di alam ni Ranay ang gagawin upang mabuhay. Hindi nagtagal ay namayat sya at namatay.

Matagal ng patay ang batang si Ranay ng mapansin ng dating kapitbahay ang pagbagsak ng kanilang bahay. Nang tignan nila, may nakita silang insektong kumakain ng kahoy.

Naalala nila si Ranay. Marahil ito si Ranay. Tinawag nilang Ranay ang maliit na insekto at di nagtagal ay naging "Anay"