MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Buwitre (Buod)

Alamat Ng Buwitre (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang batang nanggaling sa maalwang buhay. Siya si Bereti.

May malawak na lupain ang kanyang mga magulang. Maraming pananim at alagang hayop.

Bunso si Bereti at paborito ng ama. Dahil lahat ng bagay ay nakamit na ni Bereti, ibig naman nyang maranasan ang mga bagay na iba sa kinalakihan.

Si aling Juana ang kanilang tagalaba ay may anak na nag ngangalang Karing. Dahil magkaedad sila ni Karing, agad na nagkalapit ang kanilang loob.

Nalaman ni Bereti na madalas sumala sa oras ng pagkain sila Karing.

Kapag walang makain ay naghuhukay sila ng gabi o anumang halamang ugat pantawid gutom.

Nagkakasya rin ang pamilya ni Karing sa pamumulot ng tirang pagkain para pakinabangan.

Di maunawaan ng batang si Bereti ngunit eksayted sya na makihukay at mamulot ng tirang pagkain. Nakikisalo sya sa pamilya ni Karing.

Galit na galit ang ama ni Bereti ng malaman na namumulot at kumakain ng tirang pagkain ang anak.

Hinanap nito si Bereti at gulat na gulat ng makita ito na kasama ang ilang bata na hila-hila ang patay na kambing.

Nagpuyos sa galit ang ama ni Bereti at agad na pinauwi ang anak.

"Kung gusto mo kumain ng tira-tirang karne ng namatay na hayop, sige magpakabusog ka. At para maging masaya ka, habang buhay sanang ganyang ang kainin mo!" saad ng ama

Kinabukasan ay naglaho si Bereti. Sa halip ay isang ibong kahawig ng agila ang namataang kumakain ng patay na baka.

Ayon sa karamihan, si Bereti ang ibong iyon na isinumpa ng ama.

Tinawag nilang Bereti ang ibon, pero dahil di pa gaanong marunong bumigkas ang isang bata, "Bwitre" ang bigkas nito.

Mula noon ay tinawag nang bwitre ang ibon.


Aral sa Alamat ng Buwitri (Buod)

1. Huwag maging mainggitin sa ibang tao. Matutong maging kuntento kung anong meron ka.


Iba pang Alamat na babasahin:

https://www.marvicrm.com/2016/10/alamat-ng-calamba-english-version

https://www.marvicrm.com/2022/10/Alamat-ng-DAMA-de-Noche-Buod-

https://www.marvicrm.com/2017/08/alamat-ng-durian-buod