MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Daga (Buod)

Alamat Ng Daga (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, magkakasamang namumuhay ang lahat ng tao. Lahat ay masaya. Maalwan ang kanilang buhay dahil ipinagkaloob ng Diyosa ng kasaganahan ang anumang maaari nilang hilingin.

Isa lamang ang kapalit ng lahat ng iyon, Nais ng Diyosa na hwag silang aalis sa kanilang paraiso.

Sa kabila ng lahat ng ito, may isang binatilyong may malikot na imahinasyon. Ito si Raga, nais nyang malaman kung ano ang nasa kabila ng kanilang paraiso.

Isang gabi, naglakas loob na tumakas si Raga. Pakiramdam nya ay nakaalis sya sa isang gintong kulungan.

Gayunman, ang lugar sa labas ay kabaligtaran ng buhay sa paraiso.

Subalit dahil bagong karanasan iyon kay Raga, kaya't sabik pa rin siya.

Lumakad sya at nagtatakbo sa putikan, natulog sa napakaruming kapaligiran. Kumain din sya ng mga pagkain na bago sa paningin nya.

Nalibang si Raga sa panibago nyang daigdig at halos di nya namalayan ang paglipas ng oras.

Isang gabi ay nangulila si Raga. Naalaala nya ang kanyang ina, kaibigan at mga kakilala.

Nagmumuni muni sya ng biglang may dumampot sa kanya

"Teritoryo namin to" wika ng isa

"Maghanap ka ng sarili mong lugar" saad ng isang kasama nito.

Lubhang nalungkot si Raga. Sa kanilang lugar ay pantay pantay at walang inaapi. Noon nya naisip na mas maganda pa rin sa kanilang paraiso.

Madumi at mabaho, hindi na nakilala si Raga ng mga taga paraiso, pinalayas sya ng mga ito at sya ay isinumpa sa pagsuway sa utos.

Si Raga ay naging isang maliit na hayop na nakakadiri ang anyo. Sa marumi at mabahong lugar sya nakatira tulad ng kanal at lungga. Siya ang pinagmulan ng Daga.


Iba pang alamat na babasahin:

https://www.marvicrm.com/2023/12/Alamat-ng-Calamba-Laguna-Buod-sa-Tagalog-

https://www.marvicrm.com/2022/09/Alamat-ng-Chocolate-Hills-Buod-

https://www.marvicrm.com/2016/10/alamat-ng-daga-english-version