MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Kabayo (Buod)

Alamat Ng Kabayo (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Karing at Ayong. Tahimik silang namumuhay kahit walang anak.

Ngunit isang araw...

Buntis si Karing!

Nagpasalamat sa Dyos ang mag-asawa at nangako si Ayong na gagawin ang lahat upang mapaligaya nya ang anak at asawang si Karing.

Ilang bwan ang lumipas ay nagsilang si Karing ng isang malusog na batang lalaki.

Nag-iisang anak kaya't ang lahat ng layaw ng anak ay nasunod. Lumaking masama ang ugali ng anak ni Ayong at Karing. Palasagot ito at ayaw na nasasabihan.

Minsan ay hindi natiis ng ama ang ginawang pagsagot ng anak kay Karing kaya't pinagsabihan niya ang binatilyo.

Naglayas ito at napadpad sa paanan ng bundok.

Isang matandang namumuhay sa paanan ng bundok ang nagmagandang loob kaya't may natuluyan ang binatilyo.

"Umuwi ka at humingi ka ng tawad sa iyong mga magulang. Hindi maganda na nagtatanim ka ng sama ng loob sa iyong ama't ina" saad ng matanda.

Minasama iyon ng binatilyo at agad nitong pinagsisipa ang inuupuan.

"Wala kang pakialam sa buhay ko at lalong wala kang karapatang pagalitan ako" saad ng binatilyo.

Ang hindi alam ng binatilyo ay engkantado pala ang matanda. Sa nakitang masamang asal ng binatilyo ay ginawa niya itong kabayo.

Nang mapagod sa kasisipa ay napaiyak na lamang ang binatilyo ngunit halinghing na lang ang nalabas sa bibig nito.

Huli na para magsisi na hindi na sya makakabalik sa dating anyo kaya't napilitan itong umuwi sa mga magulang.

Dahil sa likas na kabaitan, kinupkop ni Ayong at Karing ang hayop na isang umaga ay nasa kanilang bakuran.

Inalagaan nila ito na parang tao.

Binigyan ng mag-asawa ng pangalan ito. Mula sa Karing at Ayong, tinawag nila ang hayop na "Kayong".

Ang pinagmulan ng salitang "Kabayo"