Home / Alamat Ng Kasoy (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon sa isang gubat, lahat ng uri ng hayop ay naroroon. Silang lahat ay masaya, nagkakantahan at nag sasayawan.
Di kalayuan sa isang sulok ay may isang bagay na nakikinig at naiingit sa kapistahan. Ito ay walang iba kundi ang buto ng kasoy.
"Sana ay makalaya ako dito sa madilim na kinalalagyan" Dasal ng kasoy
Nagpatuloy ang kasiyahan maging ang dasal ng kasoy.
Maging ang isang engkantada ay naakit at nakisaya sa mga hayop.
Sa gitna ng pagdiriwang, napansin nya ang tinig ng naghihirap na kasoy.
"Sino kaya iyon, kawawa naman sya" Saad ng engkantada.
Narinig ng engkantada ang kasoy at ito ay nahabag.
Sa isang kumpas ng engkantada, ang kasoy ay biglang nakalabas sa kanyang pinaglalagyan.
Tuwang-tuwa ang buto ng kasoy sa kagandahan ng paligid.
"Butihing diwata nais ko sanang manatili dito sa labas at ayoko nang bumalik sa madilim na pinang galingan ko" saad ng kasoy
Pinagbigyan ng diwata ang kahilingan nito.
Pagkaraan ng ilang oras ay nagsi uwian na ang mga hayop at di nagtagal ay biglang sumungit ang panahon. Lumakas ang hangin at ulan.
Malakas ang kulog at matatalim ang kidlat.
Natakot ang buto ng kasoy.
Muli ay tumawag ang kasoy sa diwata upang bumalik na sa kanyang pinaglalagyan.
Subalit anumang dasal ay walang kasagutang nangyayari. Nang tumigil na ang unos ay muling lumitaw ang engkantada. Nakita nya ang buto na nakabaluktot at di magawang magsalita.
"Ito'y isang aral sayo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalagyan dahil ito ay pinagkaloob ng Dyos sayo." Saad ng diwata.
Pagkasabi ng diwata ay agad na naglaho ito. Mula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.