Home / Alamat Ng Langaw (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, may mag asawang labis na kinaiinisan ng mga kakilala. Parehong ayaw magtrabaho at tamad ang dalawa. Kuntento na sila na umasa sa mga kapitbahay upang maitawid ang gutom.
Bukod dun, may pangit pang ugali ang mag-asawa.
Madalas silang dumalo sa mga handaan kahit na hindi imbitado.
Ang nakakainis pa sa mga ito ay madalas pang maunang kumain kesa sa mga imbitado.
Saan man makakita ng handaan ay tiyak na nandun ang mag-asawa.
Kapag nakakakita ng mga pagkaing nakabilad tulad ng daing sa isda ay tiyak na mangungupit ang mga ito.
Malakas ang pang amoy ng dalawa pagdating sa pagkain.
Isang araw ay napansin ng mag-asawa ang kapitbahay na tila nakaporma at may pupuntahang lugar.
Nagka ideya ang mag-asawa na tiyak ay sa handaan ang punta ng mga ito.
Palihim na sinundan nila ang kapitbahay at laking tuwa ng makitang malaking handaan nga ang pinuntahan nila.
Gumawa ang mag-asawa ng paraan para makapasok sa bahay kahit hindi imbitado, nagpakasawa sila sa pagkain.
Nang inakala nilang wala ng kakain at wala ang may-ari ng handaan ay agad silang nagbalot ng mga ulam.
Nagkataong napatingin ang may-ari ng handa at agad nitong isinumpa ang mag-asawa na kailanman ay hindi na sila pakakainin kahit nasa handaan pa sila.
Binalewala lang iyon ng dalawa.
Pagdating ng tahanan ay bigla na lamang nagbagong anyo ang matakaw na mag-asawa. Naging maliit silang insekto na may mga pakpak.
Mula noon ay hindi na nakita pa ng mga kapitbahay ang mag-asawa.
Sa halip ay dalawang insekto ang madalas na lumilitaw sa bawat pagkain na nakahanda.
Kahit bawalan ay tiyak na dadapo at dadapo parin ang mga insektong iyon basta't nakalingat lang ang nagbabantay.
Ang insektong yon ay tinawag nilang "Langaw"
Subukan mo ding basahin ang ibang mga Alamat: