Home / Alamat Ng Langgam (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, sa isang bayan, may isang mag-anak na kilala sa kasipagan. Magmula sa ama, ina at mga anak. Sila ay maagang nag tatrabaho pagsikat pa lamang ng araw.
Marami ang naiingit sa kanilang kasipagan.
Ang kasipagan ng mag anak ay mapapansin sa tuwina anihan sapagkat masagana ang kanilang ani.
"Sila ang gayahin nyo para umunlad" Saad ng matatanda sa iba
Isang araw, nagkaroon ng labis na tag gutom sa kanilang bayan. Napinsala ng baha ang lahat ng pananim.
Karamihan sa taga doon at hindi nakapag imbak ng makakain.
Mabuti na lamang at may magandang loob ang mag-anak sapagat inihati nila sa mga kababayan ang kanilang naipong ani.
"Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito" saad ng ama ng pamilya
"Napakayabang mo naman, nakapag bigay ka lang ng kaunti ay ang dami mo ng sinabi" wika ng isa
"Walang akong intensyong masama. Ibig ko lang iparating na tayong lahat ay maging handa sa panahon ng pagsubok"
"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan pa naming umasa sa inyo" Muling saad ng lalaki
Natigil na lamang ang diskusyon ng mamagitan ang isang matanda at sinabing magkasundo na lamang kesa mag away.
Hindi inaakala ng lahat na mag bubunga ng trahedya ang away na yon sapagkat ang lalaking nainsulto ay makitid ang pag iisip.
Gumanti ito.
Sinunog nito ang bahay ng pamilya at humantong sa kamatayan ng mga ito.
Nagluksa ang buong bayan.
Ilang buwan matapos ang libing ng mag anak, may dalawang matanda ang pumunta sa nasunog na bahay.
Agad nilang napansin ang maliliit na insekto na tila naka hanay at may dalang butil na inipon sa tirahan nila.
Nagkatinginan ang dalawang matanda, alam nilang iyon ay ang masisipag na mag-anak.
Tinawag nila ang mga insekto bilang "Langgam"