MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Luya (Buod)

Alamat Ng Luya (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang mang-aawit na nag ngangalang Meluya. Maganda at kaakit-akit ang boses ng dalaga.

Maganda din si Meluya kaya't maraming kababaryo ang nanligaw sa kanya.

Ngunit ang lahat ng ito'y binigo nya.

Ang pangarap ng dalaga ay makapagsilbi sa Dyos, aniya "Binigyan ako ng maykapal ng magandang tinig kaya iaalay ko ito sa kanya".

Dahil sa magandang tinig, hindi na gaanong pansin ang kapintasan ni Meluya.

Mayroon kasing mabibilog at bukol bukol sa kanyang mga paa.

Araw-araw ay nasa simbahan si Meluya at nang tumagal at hindi lang pagkanta ang ginagawa nya kundi nagtuturo na din sa mga batang kasama nya.

Marami ang natuwa kay Meluya sapagkat ang ibang dalaga sa kanilang bayan ay nakapokus sa pag aasawa ng kastila.

Nagtaka ang mga tao ng ilang araw nang hindi nagpapakita si Meluya.

Nag-alala sila kaya't pinuntahan nila ang dalaga sa bahay nito.

Natagpuan nilang nagdedeliryo na si Meluya at agad ding namatay.

Lumipas ang mga araw ay damang dama ng mga taga nayon ang pagkawala ng kanilang mang aawit na si Meluya.

Minsan ay dumalaw ang mga bata sa puntod ng dalaga.

"Ano kaya ang halamang yan? Ngayon ko lang nakita" saad ng isang bata

Ikinuwento ng mga bata sa kani-kanilang magulang ang halamang nakita sa tabi ng puntod ni Meluya.

Nang ganap ng magulang ay hinukay ng mga bata ang halaman at namangha sila sa bunga nito na nasa ilalim ng lupa.

Parang paa ni Meluya ang bunga ng halaman.

Natulaklasan din ng mga tao na nakakapag paginhawa ng lalamunan ang sabaw nito kapag nilaga.

Lumaon at natuklasan nilang ito ay mabuti sa boses pag ininom.

Simula noon, tinawag na Meluya ang bunga para sa alaala ni Meluya.

At di nagtagal ay naging "Luya"


Iba pang mga babasahin:

Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)

Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)

Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)

Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)