MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Luzon Visayas At Mindanao (Buod)

Alamat Ng Luzon Visayas At Mindanao (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon. may mag-asawang matagal bago nagkaroon ng anak.

Sila ay sina Sultana Luvimi at Sultan Karif.

Nung sila ay magkaanak ay triplet ang isinilang ng Sultana.

Mahal na mahal ng Sultan ang asawa kaya't hinango nya dito ang pangalan ng mga anak na sina Lu, Vi, at Mi.

"Lu, Vi at Minda, nais ko ang pangalang Minda" wika ng Sultana.

"Kung iyon ang ibig mo ay masusunod" saad naman ng Sultan.

Wala pang anim na bwan ay sumakabilang buhay na ang Sultana.

Lubhang nalungkot ang Sultan.

Lumipas ang maraming panahon at nagkaron ng gulo sa nasasakupan ni Sultan Karif. Isang datu ang nais manakop ng kanilang kaharian.

"Sasama kami sa laban" wika ni Lu"Marunong akong humawak ng armas" ani Vi"Hindi kami papayag na manood lang sapagkat may magagawa kami" wika naman ni Minda na pinakamatapang sa kanilang tatlo.

Gaya ng inasahan ay umatake ang mga mandirigma ng datu. Nang matapos na ang labanan ay nakita ng datu ang walang buhay na mga anak na hawak pa ang mga sandata.

Ipinaanod ng Sultan ang labi ng tatlong magkakapatid sa dagat upang doon ilibing.

Ilang bwan lamang ang lumipas ay napansin nila ang pagsibol ng tatlong malalaking pulo sa dagat kung saan inanod ang bangkay ng tatlong dalaga.

Tinawag ng Sultan ang mga pulo na Lu, Vi at Minda.

At nang lumaon ito ay tinawag na ngayong "Luzon, Visayas at Mindanao".