Home / Alamat Ng Pilipinas (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, wala pang nabubuhay sa daigdig.
Wala kahit anung bagay tulad ng puno, halaman, tubig, mga hayop at bundok.
Dahil walang makausap at nakikita ay naging malungkutin si Haring Pinagmulaan.
Buhat noon ay ginugol na lang nito ang oras upang mag-isip ng kung ano ang dapat na gawin.
Hanggang sa bigla na lamang napangiti si Haring Pinagmulaan. May naisip itong paraan kung paano sasaya.
Nang oras ding yon ay nilikha nya ang Daigdig.
Pansamantala lamang ang naging kasiyahan ng Hari sapagkat damang-dama pa din nya ang pag iisa.
Napaiyak si Haring Pinagmulaan at ang mga luhang iyon ay naging mga ibon.
Napangiti ang Hari habang pinagmamasdan ang dalawang ibon na lumilipad.
Walang tigil sa paglipad ang mga ibon sapagkat wala itong madapuan.
Naawa ang Hari at naisip nitong likhain ang lupa at gubat upang makapag-pahinga ang mga ito.
Nang makakita ng dadapuan ay dumapo ang dalawang ibon at ng makabawi ng lakas ay muling lumipad upang malaman ang lawak ng kinaroroonan.
Minsan ay napansin ng mga ibon ang isang kawayanan.
Dumapo dito ang dalawa at nagtaka ng may marinig na tinig mula sa loob ng kawayan.
Tinuktok ng tinuktok ng dalawang ibon ang kawayan hanggang sa mabiyak iyon.
Mula sa malaking kawayan ay lumabas si Silalak, ang unang lalaki.
Muling nakarining ang dalawang ibon ng tinig mula sa isa pang kawayan.
Tinuktok din nila ito hanggang sa mabiyak at lumabas naman ang isa pang nilikha. Sya si Sibabay, ang unang babae.
Ang Pilipinas ang pulo kung saan sumibol ang mga kawayan na pinagmulan ni Silalak at Sibabay, ang pinagmulan ng ating lahi.