Home / Alamat Ng Rosas (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, may isang dalagang nag ngangalang Rosa. Bukod sa natatanging ganda ay kilala rin ang dalaga na gagawin ang lahat upang mapatunayan ang tunay na pag-ibig.
Nakatakda na noong ikasal ang dalaga ng matuklasan nyang may malubhang sakit si Mario, ang kanyang nobyo.
Hindi naging hadlang ang sakit ni Mario upang matigil ang kanilang kasal.
Sa kabila nito ay naging mabuting asawa si Rosa kay Mario.
Hindi sya umalis sa tabi ng asawa kahit anumang oras.
Maging sa pag gising at pag tulog ni Mario ay mukha ni Rosa ang nasisilayan nito.
Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling nasilayan ng asawa bago ito nalagutan ng hininga.
Ang mga ngiting iyon ay hindi napawi hanggang sa ilibing si Mario. Nagtaka ang mga tao, aniya "Alam kong masaya si Mario kung nasaan man sya. Alam ko na ako lamang ang kanyang minahal at maghihintay sya sakin hanggang sa magsama kaming muli".
Naging inspirasyon si Rosa para sa iba.
Bago namatay si Rosa ay hiniling nito na ilibing sya katabi ng libingan ng asawa.
Kakatwang may tumubong napakagandang bulaklak sa gilid ng puntod ni Rosa. Tinawag nilang "Rosas" iyon bilang pag alala kay Rosa.
Subukan mo ding basahin ang ibang mga Alamat: