MARVICRM.COM

Home / Ang Pagong At Ang Matsing (Buod)

Ang Pagong At Ang Matsing (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Isang araw, may magkaibigang Matsing at Pagong.

Alam ni Pagong na tuso ang kaibigan katulad na lamang noong nakakita siya ng isang puno ng saging.

Ito'y hitik na hitik sa bunga at masayang masaya si Pagong.

Ngunit namataan din agad ito ni Matsing at agad nitong inunahan si Pagong at inangkin ang puno.

Hindi pumayag si Pagong sapagkat siya ang unang nakakita sa puno. Dahil tuso, nakaisip si Matsing ng isang ideya.

"Hatiin natin ang puno Pagong, sa akin ang itaas na bahagi at sayo ang ibabang bahagi" saad ni Matsing

Pumayag naman si Pagong at nakangising umalis si Matsing dala dala ang puno na may bunga.

Buong pag aakala ni Matsing ay maiisahan nya si Pagong.

Lumipas ang mga araw ay naubos na ni Matsing ang bunga at namatay ang puno ng saging.

Dali dali syang naghanap muli ng makakain.

Samantala, ang ibabang bahagi ng puno ay itinanim ni Pagong at lumipas ang mga araw ay agad din itong namunga.

Nalaman ito ni Matsing na dismayado at gutom na gutom na umalis.

Totoo nga ang kasabihan na "Tuso man ang Matsing, napaglalamangan din"