Home / Nakalbo Ang Datu (Buod)
Source: Google Images
Bakit nakalbo ang Datu?
Noong unang panahon, may isang Datu na tumandang binata dahil sa pag sisilbi sa kanyang nasasakupan. Lagi itong abala sa gawain sa kanilang pook kaya't nakalimutan na nito ang pag-aasawa.
Siya ay pinayuhan ng mga nakakatanda na mag asawa na upang magkaroon sya ng taga pagmana.
Napilitang mag asawa ang Datu ngunit ito ay naging pihikan dahil sa napakaraming magagandang dilag sa kanilang pook.
Kinalaunan ay umibig din ang Datu, ngunit hindi sa isa, kundi sa dalawang magandang dilag.
Dahil walang tulak kabigin sa dalawang dalaga ay parehong pinakasalan ng Datu ang dalawa.
Ang isa sa mga ito ay si Hasmin. Siya ay batang bata at ubod ng lambing.
Kahit matanda na ang datu ay mahal na mahal pa rin ito ni Hasmin.
Dahil sa lubos na pagmamahal ni Hasmin sa Datu ay ayaw nitong magmukhang matanda ang asawa, kaya't sa tuwing namamahinga ang Datu ay binubunutan niya ito ng puting buhok.
Ang isa namang asawa ng Datu ay si Farida. Siya ay kaedad lamang ng datu ngunit ito ay maganda din.
Dahil sa kadahilanang ayaw nyang magmukhang matanda ay binubunutan nya ng itim na buhok ang Datu sa tuwing ito ay namamahinga sa tanghali.
Dahil sa ipinakikitang kabaitan at pagmamahal ng dalawa nyang asawa ay galak na galak ang Datu.
Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat nito ng manalamin sya.
"Kalbo ako! Kalbo na ako!" sigaw ng Datu.
Nakalbo ang Datu sa pagmamahal ng dalawang asawa.
Subukan mo ding basahin ang ibang mga Alamat: