MARVICRM.COM

Home / Si Malakas At Maganda (Buod)

Si Malakas At Maganda (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, nag-iisa lamang ang Dyos sa kalawakan.

Naging Malungkutin ang Dyos sapagkat nag-iisa lang sya.

Ang araw ay sumisikat na parang ginto ang liwanag, ang langit naman ay puting puti na napapalibutan ng ulap, ang mga tala ay nag niningning sa langit.

Ikinumpas ng Dyos ang kanyang kamay at itinuro pababa.

Sa isang iglap lamang ay nalikha ang daidig. Ang mga puno, luntiang halaman at damo ay sumibol at ang mga bulaklak ay namukadkad.

Ang mga ilog ay umagos, nagsiliparan naman ang mga ibon sa himpapawid.

Nilikha ng Dyos ang sanlibutan.

Isang araw, ang mga ibon ay walang patid sa paglipad hanggang sa masilayan nila ang dalawang puno ng kawayan.

Dumapo ang mga ibon dito.

Tok! Tok! Tok! isang tinig mula sa loob ng kawayan.

"Palayain mo ako dito haring ibon!" ang sabi ng misteryosong nilalang sa loob ng kawayan.

"Baka ito'y patibong" ang nasa isip ng ibon.

Isang butiki ang biglang sumulpot papunta sa dulo ng kawayan, dahil sa gutom ay tinuka ito ng ibon.

Isang malakas sa tuktok ang ginawa ng ibon hanggang sa mabiyak ito.

Isang makisig na lalaki ang lumabas at nagpasalamat ito, at muling humingi ng pabor.

"Ako'y si Malakas. Pakiusap haring ibon, tuktukin mo uli ang isa pang kawayan, iyong palabasin ang aking kasama".

Tinuktok ng ibon ang isa pang kawayan at kalaunay nabiyak ito at lumabas ang isang napakagandang babae.

Ito'y si Maganda.

"Halina kayo at sumakay sa aking likuran, dadalhin ko kayo sa lupang hinirang at doon kayo maninirahan". saad ng ibon

Si Malakas at Maganda ay inihatid ng ibon sa luntiang lupain at ito'y kumikinang sa sinag ng araw.

Dito sa pulong ito nagsimulang mamuhay sina Malakas at Maganda.

Ang pinagmulan ng lahing kayumanggi.


Iba pang Alamat na babasahin:

Alamat ng Araw at Gabi (Buod)

Alamat ng Sibuyas (Summary)

Alamat ng Chocolate Hills (Buod)