Home / Talambuhay Ni Rodrigo Duterte (Buod)
Source: Wikipedia
Buod ng talambuhay ni Rodrigo Duterte
Narito ang maikling sanaysay ukol sa talambuhay ni Pangulong "Digong" Duterte ang ikalabing-anim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ipinanganak sa Maasin, Leyte noong ika-dalawampu't walo ng Marso taong 1945, si Rodrigo Roa Duterte ay pangalawa sa limang magkakapatid. Ang kanyang ama na si ginoong Vicente Duterte ay dating alkalde ng Danao, Cebu. Ang kanya namang ina ay si ginang Soledad Roa, isang Guro.
Ang kanilang pamilya ay lumipat mula Danao papuntang Davao noong taong 1949.
Si Pangulong Duterte ay unang nag aral ng elementarya sa Laboon Elementary School, ngunit sa Sta. Ana Elementary School nya ginugol ang natitirang taon hanggang sa makatapos sya noong taong 1956.
Nagtapos naman sya ng high school sa Cor Jesu College sa Digos, Davao Del Sur.
Matapos ang pang sekondaryang pag aaral ay nagtapos si Pangulong Duterte sa kursong Political Science sa Lyceum of the Philippines at muli ay nag aral at nagtapos ng abogasya sa San Beda College of Law taong 1972.
Si Pangulong Duterte ay mayroong tatlong anak sa unang asawa na si ginang Elizabeth Abellana Zimmerman. Ito ay sina Sara, Paolo at Baste.
Ang kanilang pagsasama ni ginang Zimmerman ay tumagal ng mahigit dalawampung taon.
Sa kasalukuyan, si Pangulong Duterte ay may isang anak sa kinakasamang si Cielito "Honeylet" Avancena. Ang kanilang nag-iisang anak ay si Veronica "Kitty" Duterte.
Bago naging pangulo ng Pilipinas, si Pangulong Duterte ay nagsilbing alkalde ng Davao sa loob ng pitong termino o 22 taon.
Ginanap ang inagurasyon ni Pangulong Duterte noong June 30, 2016 sa Rizal Ceremonial Hall ng Malacanang.
Iba Pang Buod ng Talambuhay