Home / Alamat Ng Butiki (Buod)
Source: Google Images
Alamin kung bakit humahalik sa lupa ang butiki.
Noong unang panahon, may isang batang pilyo na nag ngangalang Kiko. Ang bata ay madalas mapalo ng mga magulang sapagkat ito'y malikot at matigas ang ulo.
Buod dito ay walang galang sa matanda si Kiko kaya't walang may gustong makipag kaibigan sa kanya.
Palibhasa'y walang kaibigan ay ang mga maamong hayop na lamang ang pinaglalaruan ni Kiko. Ang mga maamong hayop na iyon ay nagiging mailap sa pananakit ng bata.
Isang araw habang abala ang ina sa pag wawalis ng bakuran ay lumapit ang bata sa punso at walang kagatol gatol nitong sinipa ang punso.
Galit na galit ang ina ni Kiko at agad na humingi ng tawad sa mga duwende sa punso at nagsabing hindi na ito mauulit.
Pinangaralan si Kiko ng ina na masamang magalit ang mga duwende sa punso.
Subalit umulit na naman si Kiko ng isang araw ay may nakitang bayawak. Sinundan ito ni Kiko hanggang sa matagpuan ang mga itlog nito.
Tuwang tuwang tinirador ni Kiko ang mga itlog ng bayawak ngunit biglang nagulat nang may sumulpot sa duwende sa harap nya.
"Hoy batang salbahe! alam mo bang may buhay sa loob ng mga itlog na yan? sa ginawa mong yan, ikaw ay aking parurusahan. Magiging kalahi mo ang mga bayawak! Bago magtakipsilim, ikaw ay hahalik sa lupa at Butiki ang sayo'y itatawag!"
Natakot ang bata at sinabing di na ito mauulit at magpapakabait na. Ngunit di na ito pinatawad ng duwende.
Dali daling tumakbo si Kiko sa kanilang bahay at humahangos na umakyat ng hagdan.
"Ayokong maging butiki ina..." saad ng nahintatakutang si Kiko
Nakita ng ina ni Kiko na ang bata ay unti unti nagiging isang maliit na hayop na kamukha ng bayawak.
Palibhasay "Butiki" ang huling narinig sa anak ay Butiki na ang tinawag nila rito.
Mula noon, patuloy pa rin sa paghalik sa lupa ang butiki tuwing dapithapon.
Aral sa Alamat ng Butiki:
1. Matutong magpahalaga sa mga buhay ng ibang nilalang. Maliit man sila at parang walang ginagawa satin ay di nangangahulugan na pagmalupitan sila.
2. Magkaroon ng magandang asal at huwag ding maging mayabang. may balik ito sa iyo kapag matigas ang ulo mo.
Iba pang alamat:
https://www.marvicrm.com/2017/08/alamat-ng-buwitre-buod
https://www.marvicrm.com/2016/10/alamat-ng-calamba-english-version