MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Sampalok (Buod)

Alamat Ng Sampalok (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may tatlong prinsipeng ubod ng sama. Sila ay sina Prinsipe SAM, Prinsipe PAL at Prinsipe LOK.

Dahil magkakaibigan ay magkasundo silang tatlo sa lahat ng bagay.

Lalo na sa kasamaan.

Ang kanilang madalas paglaruan ay ang mga mangmang at may sira sa pag-iisip. Pinaparatangan nila ang mga ito at ipinapakulong.

Lubha silang mapang-api lalo na sa mahihirap. Kahit matatanda ay hindi ginagalang ng tatlo.

Minsan sa pamamasyal ay napadaan ang tatlong prinsipe sa ilog kung saan may naliligong mga dalaga. Kasiya siyang pinanood ng mga ito ang mga dalaga.

Nagtatawanan ang mga prinsipe na tila may halong pang babastos.

"Kamahalan huwag nyo naman po kaming bastusin" saad ng isang dalaga.

Galit na bumaba ang tatlong prinsipe at walang kasabi sabi ay sinampal nito ang dalaga. Uulit pa sana ang prinsipe ngunit nabigla ng humarang ang isang matandang babae.

Palibhasa ay walang galang ay pinatulan ng tatlo ang kawawang matanda.

Nagsiksikan naman sa takot ang mga dalaga sa isang tabi.

Ngunit ng walang ano ano ay biglang nagbago ang anyo ng matandang babae.

Ito pala ay isang engkantada.

"Panahon na upang tapusin ang inyong kasamaan" saad ng engkantanda

Sa isang kumpas ng kamay nito ay agad na nanlaglag ang mata ng tatlong prinsipe. Lubhang nakakagulat ang pangyayari at ang mga mata ng mga ito ay kinain ng lupa.

Sa halip na magsisi ay nagbanta pa ang tatlong prinsipe.

Matapos ang pangyayaring iyon ay isa isang kinapa ng tatlong prinsipe ang kani-kanilang mga kabayo.

Palibhasa'y mga bulag na ay di nila alam ang daan pauwi. Nanakbo nang nanakbo ang kanilang mga kabayo hanggang sa mahulog sila sa bangin.

Lumipas ang mga araw ay nagtaka ang mga taga nayon sapagkat may tumubong puno kung saan lumubog ang mata ng tatlong prinsipe.

Nang kanilang tikman ang bunga, ito'y napakaasim.

Palibhasay may parang mata na nakaukit sa buto ng bunga ng puno ay naalala nila ang mga mata ng tatlong prinsipe na sina Prinsipe SAM, Prinsipe PAL at Prinsipe LOK.

Mula noon, tinawag nila itong "Sampalok".

Kinalaunay, natutunan din ng mga tao na ihalo ito sa ulam.