MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Suha (Buod)

Alamat Ng Suha (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang batang nag ngangalang Luningning. Si Luningning ay nakatira sa isang masaganang bayan.

Pinalaki si Luningning ng mga magulang na may positibong pananaw sa buhay.

Lumipas ang mga panahon ay naging sagana ang kanilang ani.

Naging maginhawa ang pamumuhay ng pamilya ni Luningning kaya't anumang hilingin nya ay ibinibigay ng mga magulang.

Ngunit hindi ito sinamantala ng bata bagkus ay nagsabi pa sa mga magulang na tulungan ang ibang batang kapuspalad.

Dumating ang hindi inaasahang pangyayari ng isang gabi ay pinasok ng mga magnanakaw ang bahay nila Luningning.

Nagtangkang manlaban ang kanyang ama ngunit ito ay nasaksak. Ganun din ang sinapit ng kanyang ina.

Hindi mapatid ang luha ni Luningning hanggang sa puntod ng kanyang mga magulang.

Ang masayahing bata ay lagi nang nakikitang umiiyak. Walang araw na di umiyak si Luningning.

Ang magkatabing puntod ng mga magulang ni Luningning ay laging basa ng kanyang luha.

Hanggang sa isang araw ay bigla na lamang naglaho si Luningning. Nagtaka ang mga tao ngunit kalaunay nalimutan rin nila ito.

Lumipas ang mga panahon ay may isang puno na tumubo sa bakuran nila Luningning. Namunga ito ng kulay berde at hugis bilog na prutas.

Ilang bata ang nanguha at nang buksan ang prutas ay namangha sila pagkat ang laman noon ay tila maliit na patak ng luha.

Tinawag nilang luha ang misteryosong prutas at di nagtagal ay naging "Suha".