MARVICRM.COM

Home / Ang Kalupi (Buod)

Ang Kalupi (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Ang buod ng "Kalupi" na orihinal na isinulat ni Benjamin P. Pascual.

Minsan sa ating buhay, may mga mali tayong desisyon na pagsisisihan sa bandang huli. Dala siguro ng problema, bugso ng damdamin o pagkalito.

Ganito ang nangyari kay Aling Martha, isang pangkaraniwang ina sa araw-araw ay abala sa gawaing bahay at pag aasikaso sa nalalapit na pagtatapos ng anak.

Pinasya ng ginang na mamalengke ng maaga upang mamili. Sa kanyang paglalakad ay di inaasahang mabangga siya ng isang batang madungis.

Agad na nahusgahan ni Aling Martha ang bata, ito ay mahirap, walang pinag-aralan at walang modo.

Nang kukuha na ng pambayad ang ginang ay tsaka na lamang nito natanto na nawawala na ang kanyang kalupi. Agad na nataranta at nag-isip. Sa loob-loob nya ay hiyang hiya sya sa nangyari.

Natitiyak nya na ang batang madungis ang nakakuha ng kanyang kalupi. Agad na nagmadali ang ginang upang mahagilap ang batang sa tingin nya ay kumuha ng kanyang pitaka.

Nang makita ang batang madungis ay agad na hinablot ng ginang ang damit nito, pinit na pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka.

Ngunit ang bata ay panay ang tanggi kahit na pinipilit itong paaminin ni Aling Martha.

Marami na ang nakapaligid sa kanila, may naawa sa bata ngunit wala iyon kay Aling Martha. Hanggang sa may dumating nang pulis, Nagtanong sa bata ang sinabi pang ito'y dadalhin sa presinto.

Lubhang natakot ang batang madungis. Ang binili nitong isda para sa tyahin ay malamang hinihintay na kanina pa.

Ang mahigpit na hawak ni Aling Martha ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kaya't kinagat nito ang kamay ng ginang.

Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang bata at agad itong tumakbo papalayo.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, kasabay ng paglayo ng bata sa mapanghusgang si Aling Martha ay ang tilian ng mga naroroon.

Nabangga ito ng humahagibis na dyip. Bago mawalan ng hininga ang kawawang bata ay iginiit nito na wala syang ninakaw.

Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Martha na ang nangyari sa bata ay kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi.

Pagkauwi ng bahay ni Aling Martha ay nagtaka ang mister nito kung saan galing ang pinamili gayong naiwan nito ang pitaka sa bahay.

Namutla si Aling Martha sa narinig. Sa pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay.

Marahil hanggang sa ngayon ay binabagabag parin si Aling Martha sa nangyari sa bata.