Home / Ano ang Wika?
Source: Google Images
Ating alamin kung ano ang wika
Ano nga ba ito? tanong ng aking bunsong kapatid. Ang wika ay isang paraan ng mga tao upang makipag-usap o ipaalam ang nais na sabihin sa paraang berbal at di berbal. Maaring ang wika ay nasasabi o nasusulat.
Kahalagahan ng wika
Ang wika ay lubos na mahalaga sa sanlibutan sapagkat kung wala nito ay hindi magkakaroon ng sistemang organisado. Halimbawa na lamang ay ang pag-uusap ng dalawang bansa tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pamahalaan. Sa pakikipagpalitan ng ideya o kaalaman tungkol sa agham, industriya at teknolohiya.
Pinagmulan ng wika
Sinasabing ang wika ay nanggaling sa mga teoryang nasa mga sumusunod:
Teoryang BOW-WOW
Ang teoryang ito ay patungkol sa tunog na nililikha ng mga hayop at kalauna'y ginaya ng mga sinaunang tao sa mundo.Maging ang tunog ng kalikasan, ihip ng hangin at patak ng ulan ay ilan sa mga tunog na ginaya din ng ating mga ninuno.
Teoryang DING-DONG
Ang teoryang ito naman ay patungkol sa lahat ng bagay na may sariling tunog, na kalaunay ginawan ng mga sinaunang tao ng kahulugan ang bawat tunog. Ang halimbawa na lamang nito ay ang mga tunog na "Tsug-tsug ng tren, tik-tak ng orasan"
Teoryang POOH-POOH
Ang teoryang ito ay tungkol sa mga tunog na nalilikha ng tao mula sa kanyang bibig. Katulad na lang ng pagdaing na nagpapahiwatig ng takot, saya, galit at paglalaan ng lakas.
Teoryang TA-RA-RA BOOM DE AY
Sinasabing sa teoryang ito ay nagmula ang wika sa mga tunog na nalilikha sa mga ritwal na kalaunay nilapatan ng ibat't ibang kahulugan. Halimbawa nito ay ang pagsayaw, pagsigaw o ang mga bulong habang ginagawa ang pagtatanim, pakikidigma at iba pa.
Teoryang SING-SONG
Ang teoryang iminungkahi ng Linggwistang si Jeperson. Sinasabing ang wika ay nagmula sa pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas emosyonal. Bukod dito iminungkahi din ni Jeperson na sadyang mahahaba at musikal ang mga unang salita.
Teoryang TORE NG BABEL
Ang teoryang ito ay popular at nahalaw mismo sa banal na kasulatan. Noong unang panahon daw ay nagkaroon ng iisang wika lamang ngunit naisipan ng tao na magtayo ng isang tore upang mahigitan ang Panginoon. Nang malaman ito ng Panginoon ay bumababa ito at sinira ang tore. Nang mawasak ang tore ay nagkawatak watak na ang mga tao ay nagkaroon ng kanya kanyang wika at sila ay kumalat sa mundo.
Teoryang YOO HE YO
Sabi ng linggwistang si A.S Diamond (2003), ang mga tao ay natutong magsalita sa kumpas ng kanyang kamay o sa kanyang ginagawa sa partikular na okasyon. Kalauna'y naging sanhi ito ng pagkatuto ng dila na magwika at magsalita.
Teoryang TA-TA
Tinawag itong ta-ta na ang ibig sabihin sa salitang pranses ay "Goodbye" sapagkat ang tao kapag namamaalam ay nakumpas ang kamay nang pababa at pataas katulad ng galaw ng dila kapag binabanggit ang salitang "Ta-ta"
Teoryang MAMA
Ang teoryang ito ay patungkol sa unang pantig na nasasabi ng mga bata. Sa una'y hindi nya masasabi ang salitang "Mother" sa halip ay "Mama" ang masasabi katumbas ng salitang ina.
Teoryang HEY YOU!
Ang teoryang ito ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mag tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan tulad ng "Ako!", "Tayo!". Tinatawag din itong Teoryang Kontak
Teoryang COO COO
Ang teoryang ito ay patungkol sa tunog daw na nililikha ng mag sanggol. Sapagkat ang mga bata ay ginagaya ang mga tunog na ririnig mula sa matatanda.
Teoryang BABBLE LUCKY
Sinasabing ang teoryang ito ay ang biglang pagbulalas ng tao ng hindi sinasadya o nagkataon lamang. Ang tunog na nalikha nito ay naiugnay sa mga bagay bagay sa paligid at kalaunay naging pangalan ng mga iyon.
Teoryang HOCUS POCUS
Ang teoryang ito daw ay maaring nanggaling sa ating mga ninuno patungkol sa pagtawag nila sa mga hayop sa pamamagitan ng mahikal na tunog at kalaunay naging pangalan ng mga iyon.
Teoryang EUREKA
Sinasabing ang wika daw ay sadyang inimbento ng ating mga ninuno. Maari daw na may ideya na sila sa pagpapangalan ng mga bagay bagay at mabilis itong kumalat sa iba pang tao.