MARVICRM.COM

Home / Bahagi at Uri ng Liham Pangangalakal

Bahagi at Uri ng Liham Pangangalakal

Ano ang liham pangangalakal?

Ang liham pangangalakal ay isang uri ng liham na madalas ginagamit sa mga sumusunod:

  • Sa mga umoorder ng bagay
  • Sa humihingi ng tulong
  • Sa mga nag-aaply ng trabaho
  • Sa mga nagtatanong o nag iinquire

Ang liham pangangalakal ay may anim na bahagi tulad ng mga sumusunod

  • Pamuhatan - Ito ay naglalaman ng pangalan at address ng sumulat

  • Patutunguhan - Ito ang pangalan at address ng tatanggap ng sulat

  • Bating Panimula - Ito ay ang magalang na pagbati na maaring pinangungunahan ng "Ginang", "Ginong", "Mahal na Ginoo", etc..

  • Katawan ng liham - Ito ang katawan ng liham o yung mismong nilalaman ng sulat

  • Bating Pangwakas - Ito ay ang bating pangwakas na maaring naglalaman ng "Sumasaiyo", "Hanggang sa muli", etc...

  • Lagda - Ito ang buong pangalan ng sumulat

enter image description here


Source: Google Images

Narito naman ang mga uri ng liham pangangalakal

Liham Pagtatanong - Ang liham na nagtatanong ng presyo ng produkto o kalahatang impormasyon na ipinagkakaloob ng sinulatang institusyon, organisasyon o opisina.

Liham Pag aanyaya - Ang ganitong uri ng liham ay patungkol sa liham na pag iimbita sa panauhing pandangal o tagapagsalita. Ang liham na ito ay dapat magtaglay ng detalye katulad ng oras ng okasyon, lugar at tema or paksa.

Liham na humihingi ng pahintulot - Ang uri ng liham na ito patungkol sa pag hingi ng pahintulot sa sinulatan. Ito ay dapat maglaman ng layunin at pagpukaw sa damdamin upang mapapayag ang hiningian ng pahintulot.

Liham pag aaply - Ang ganitong uri ng liham ay patungkol sa paghahanap ng trabaho sa kompanya o institusyon na sinulatan. Tinatawag din itong "Cover Letter"

Liham Kahilingan o Pag order - Ang liham na ito ay patungkol sa pag order ng produkto sa sinulatan. Maaring ito ay maglaman ng detalye tungkol sa produkto na nais bilihin. Tulad ng dami ng produktong bibilhin, kulay at laki.

Liham karaingan - Ito ay liham na patungkol sa reklamo o karaingan ng sumulat. Ang liham na ito ay maaring maglaman ng reklamo ukol sa produktong nabili na may depekto.

Liham Pasasalamat - Ang liham na ito ay patungkol lamang sa pasasalamat ng sumulat sa institusyon, organisasyon o opisina.