MARVICRM.COM

Home / Biag Ni Lam-Ang (Buod)

Biag Ni Lam-Ang (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at Namongan. Ang mag asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan.

Noong magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang parusahan ang isang grupo ng igorot.

Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na lalake. Lubos na kahanga hanga ang sanggol sapagkat pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita.

Ang pangalang "Lam-ang" ay sya mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay sya ring nagtalaga.

Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang ama.

"Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng ina.

Nalungkot si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama buhat ng sya ay isilang.

Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay ng mga igorot. Sa galit nito ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay lahat ng igorot doon.

Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.

Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-ang sa ilog ng Amburayan. Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang babae. Ang mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang ay naging tila lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog.

Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya si Ines Kannoyan. Sya ay umibig dito.

Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang kanyang tandang at paboritong aso.

Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na manliligaw sa bahay ni Ines kaya't inutusan nya ang kanyang tandang na tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na nasira ang bahay ni Ines at namatay ang lahat ng manliligaw.

Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol nga ito. Sa tahol naman ng kanyang aso ay tila himalang bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines.

Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang.

Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi ang mga magulang ni Ines sa isang kondisyon.

Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging hadlang kay Lam-ang. Umuwi si Lam-ang at bumalik na may dalang bangka na puno ng ginto. At kalaunay ikinasal din sila ni Ines.

Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang manghuli si Lam-ang ng isdang "Rarang". Isang obligasyon sa mga lalaking may asawa ang humuli nito.

Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay sya ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda na kalahi ng mga pating.

Sa kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang.

Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng Berkahan.

Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha ang mga buto ni Lam-ang.

Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.

Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga buto ng asawa.

Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay.

Mula noon ay namuhay sila ng masaya.


Iba pang babasahin:

Alamat ng Araw at Gabi (Buod)

Alamat ng Chocolate Hills (Buod)

Alamat ng Apoy [Buod]