Home / Impeng Negro (Buod)
Source: Google Images
Buod ng Impeng Negro na orihinal na isinulat ni Rogelio Sicat
"Oh baka mapaaway ka na naman Impen" saad ng ina na pina ngangaralan na naman sya.
"Hindi ho" saad ni Impen
"Bayaan mo nga yung mga yon. wag mo na lang pansinin para di ka mapa away" muling tugon ng ina
May iba pang sinasabi ang ina ni Impen ngunit di na nya ito pinansin. Paulit ulit na nyang naririnig ito kaya't naririndi na ang kanyang tenga.
Pagkatapos mag hilamos ay agad nang kumilos si Impen para magpalit ng damit. Kahit antok pa ay kailangan na nyang lumakad para di tanghaliin at makasahod ng tubig.
Naroon na naman siguro si Ogor. Kahit sya ang nauuna sa pila ay lagi pa rin syang inuunahan ni Ogor para sumahod ng tubig.
"Si Ogor Impen, wag mo nang papansinin" pahabol na banggit ng ina bago sya umalis
Tuwing umaga ay umaalis si Impen para umigib at laging pinaaalalahanan ng ina na wag nang pansinin si Ogor dahil talaga raw na basagulero ito.
Si Ogor na kamakailan lang ay umaway sa kanya.
"Ang itim mo Impen" laging tukso nito
"Kapatid mo ba si Kano?" saad ng isa pang naroroon (Si Kano ay kapatid ni Impen sa ama, maputi ito kaya't nabansagang kano)
"Sino ba talagang tatay mo?" muling hirit nito
"Sino pa edi si Dikyam" sagot naman ni Ogor (Si Dikyam ay isang karakter sa komik strip ni Tony Velasquez, ito'y sundalong maitim)
Tawanan ang mga naroroon.
Si Ogor ang itinuturing na hari ng gripo na kanilang sinasahuran
"Eh ano kung maitim?" saad naman ni Impen
Sa katagalan ay natanggap na ni Impen ang panunuksong iyon sapagkat ito ay totoo. Ang kanyang ama ay isang negrong sundalo na iniwan ang kanyang ina pagkapanganak pa lamang sa kanya.
"Sari sari ang mga kapatid ni Negro, baka makatatlo pa nanay nya" muling panunukso ni Ogor
Natatandaan nya ang mga panunuksong iyon at mula noon ay naging mitsa na iyon ng kanyang paghihimagsik sa pook na iyon na ayaw mag bigay sa kanya ng katahimikan.
Halos kasing gulang ni Impen si Ogor ngunit hamak na mas matipuno ang pangangatawan nito. Malakas si Ogor at hindi ito yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig.
Nang marating na ni Impen ang hulihan ng pila ay ibinaba na nya ang kargang timba na walang lamang tubig. saad sa sarili na sana ay huwag siya ang maging paksa na naman ng mga agwador (taga-igib ng tubig)
Nakaanim na karga na ng tubig si Impen. Ngunit may isa pang nagpapa igib sa kanya.
Kapag tag-araw ay malakas ang kita ng mga agwador sapagkat mahina ang tulo ng tubig sa kanilang pook at bihira ang may poso.
"Negro!" nagulat sya ng marinig iyon. Nasa likuran nya lamang si Ogor
"Wag kanang mag bibilad doon ka sa lamig" Saad nito at isinahod na ang dalang balde sa gripo
Napakatagal ng oras para sa kanya ang pag puno ng balde ni Ogor. Napabuntung hininga na lamang sya ng malapit nang mapuno ang ito.
Katwiran nya sa wakas makakaalis na ito at wag na sanang bumalik.
Tuwang tuwa si Impen nang mapuno na din ang isa pang balde ni Ogor.
"Makakasahod na rin ako" sabi niya sa sarili
Daraan pa pala sya sa tindahan ni Taba at bibili ng gatas para sa bunso nyang kapatid.
Nang isasahod na ni Impen ang kanyang balde ay isang makapangyarihang kamay ang pumatong sa kanyang balikat. si Ogor ito.
"Gutom na ako Negro, ako muna" saad ni Ogor
"Kadarating mo lamang Ogor" Mariing tutol ni Impen
"Ako muna sabi eh!" tugon ni Ogor
Agad na itinabi ni Impen ang balde na nakatingin pa rin kay Ogor at itinapon nya ang konting laman nito.
"Uuwi nako" bulong ni Impen sa sarili
"Anung ibinubulong mo?" saad ni Ogor
Maya maya pa ay nabuwal si Impen at tumama ang pisngi sa labi ng nabiyak na timba. Napasigaw ito sa sakit.
Hinipo ni Impen ang pisngi, basa ito...mapula...dugo.
"O-ogor..O-ogor...Ogor!!!!" sa wakas ay naisigaw ni Impen
Hindi nagustuhan ni Ogor ang pagsigaw nito kaya't sinipa niya si Impen at nagtauban ang mga balde.
Bumaliktad si Impen at tumawa ng malakas si Ogor.
Humihingal at lumuluha si Impen sa tinamo nya kay Ogor.
Muli ay sinipa sya ni Ogor sa kanyang pigi at namilipit sya sa basang semento.
Matagal din bago napawi ang kirot sa pigi ni Impen, maya maya lamang ay bumangon at itinukod nya ang kamay sa semento.
Si Ogor, simula noon ay inituring na syang kaaway. Bakit sya inaapi nito.
Nanginginig sa galit ang katawan ni Impen.
Nang muli syang sisipain ni Ogor at parang asong sinunggaban ni Impen ang kanang paa nito. Nawalan ng balanse si Ogor at silang dalawa ay nagpagulong gulong.
Nang mapaibabaw si Impen ay walang tigil niyang pinagsusuntok si Ogor. Sinunod sunod nya ito na wari ay papatay ng tao. Papatayin nya si Ogor
Sunod sunod na suntok ang pinakawalan ni Impen at si Ogor naman ay tila asong nag pupumilit umibabaw.
Sa isang iglap naman ay siya ang napailaliman. Tinanggap nya ang mga suntok ni Ogor. Hindi nya nailagan ang mga suntok nito sapagkat nasisilaw sya sa araw. Tila manhid na si Impen, wala syang maramdamang sakit.
Sa mga suntok ni Ogor ay tila nasalinan pa sya ng lakas. Buong pwersang umigtad at napailaliman muli si Ogor. Natadtad ng suntok si Ogor sa mukha, sa dibdib.
Mahina na si Ogor, Lupaypay na.
Humihingal na rin si Impen sa walang tigil na suntok.
Ang sabog na labi ni Ogor ang nagsasabing
"I-Impen...."
Muli ay itinaas ni Impen ang kamay upang suntukin pa si Ogor
"I-Impen...su-suko nako...su-suko na..a-ako..."
Ibinaba na ni Impen ang kanyang kamay.
Napasuko nya si Ogor.
Ilang sandali lamang ay dahan dahan nang tumayo si Impen habang nakatingin pa rin kay Ogor. Wasak ang kanyang suot at duguan ang likod. May basa pa ng dugo ang kanyang mga labi.
Walang nakakibo sa mga agwador na naroroon. Walang pagtutol sa mga mata ng mga ito bagkus ay paghanga.
May luha man sa mata ay may galak ding nadama si Impen.
Sa matinding sikat ng araw, tila isang sugatang mandirigma si Impen.
Nakatayo sa pinagwagihang larangan.