MARVICRM.COM

Home / Kabihasnang Indus

Kabihasnang Indus

enter image description here


Source: Google Images

Ang kabihasnang Indus ay sinasabing umusbong noong panahon ng Bronze Age taong 3300 hanggang 1300 BC.

Sila ay nanirahan sa sa malaking bahagi ng hilagang kanluran ng dating India. Ang lupaing iyon na ngayon ay naging Pakistan.

Ang Sibilisasyong Indus ay mayroong dalawang pinakamalaking lungsod at ito ay ang Harrapa at Mohenjo-daro.

Dito ay saganang dumadaloy ang tubig ng ilog Indus.

Bihasa rin sa pag gawa ng mga palayok at pag uukit ng bato ang mga Harappa. Bukod dito ay nakagawa sila ng komplikadong sistema ng patubig.

enter image description here


Source: Google Images

Naging maunlad din ang pamumuhay ng mga taga Mojenho-daro. Ang mga bahay nila ay kadalasang dikit-dikit at may dalawang palapag.

enter image description here


Source: Google Images

Tulad ng mga Harappa, bihasa rin sa pag lililok ng kahoy at bato ang mga taga Mohenjo-daro.

enter image description here


Source: Google Images

Naging popular na artifact ng mga taga Mohenjo-daro ang "Dancing Girl" na natagpuan noong 1946. Ito ay gawa sa tanso at nagkakaedad ng mahigit apat na libong taon na.

enter image description here


Source: Google Images

Ganun din ang artifact na "Priest King" na natagpuan noong 1927.

Matapos ang isang milenyo ng paninirahan sa Indus, humina ang pamumuhay dito. Ang Mohenjo-daro ay inabandona ng mga tao sapagkat madalas itong salakayin ng mga tribo.

Ang Harrapa naman ay nagsimulang bumagsak pagkatapos atakihin ng mga Aryan noong 1500 BCE.