Home / Mga Halimbawa Ng Diptonggo
Source: Google Images
Ang Diptonggo sa Filipino ay ang mga salitang binubuo ng mga letra na may patinig (A, E, I, O, U) at sinasamahan ng katinig ng letrang W at Y.
Malalaman natin ang isang salita kung ito ay may diptonggo kapag ito ay kinapapalooban ng mga letrang ito:
AY, EY, IY, OY, UY
AW, EW, IW, OW, UW
Halimbawa ng mga salitang Diptonggo
Aliw (a-liw)
Giliw (gi-liw)
Baboy (ba-boy)
Kasoy (ka-soy)
Sablay (sab-lay)
Pagsasanay (pag-sa-sa-nay)
Lakbay (lak-bay)
Bahay (ba-hay)
Beywang (bey-wang)
Leyte (leyte)
Bowling (bow-ling)
Beybi (bey-bi)
Sampay (sam-pay)
Aruy (a-ruy)
Paksiw (pak-siw)
Sabaw (sa-baw)
Kalabaw (ka-la-baw)
Bahaw (ba-haw)
Paalala: Hindi masasabing may diptonggo ang isang salita kung ang AY, EY, IY, OY, UY,AW, EW, IW, OW, UW ay magkahiwalay na pinapantig
Halimbawa nito ay ang salitang "Aliwan" kapag binigkas ito ay
a-li-wan
Mapapansin natin na ang letrang "IW" ay magkahiwalay na pinapantig. Isa pang halimbawa ng salitang walang diptonggo ay ang salitang "Sampayan"
sam-pa-yan
Hiwalay din ang letrang "AY" kapag pinapantig
Iba pang babasahin: