MARVICRM.COM

Home / Mga Kwentong Pambata

Mga Kwentong Pambata

enter image description here


Ang kwento o alamat ay parte na ng kulturang Pilipino noong panahon pa ng ating mga lolo at lola. Madalas itong gamitin upang mag bigay aral sa mga bata upang sila ay matuto at gumawa na kabutihan. Ang madalas na paksa ng alamat ay ang mga dyosa, enkantada, pinagmulan ng prutas, hayop at kung anu-anu pang bagay.

Narito ang ilang piling alamat o kwentong pambata na maaring ikwento sa inyong mga anak o apo.

  1. Alamat Ng Pinya - Hinding hindi makukumpleto ang listahan kung wala ang kwento ng alamat ng pinya. Ito ay tungkol sa isang batang babae na nag nangangalang Pinang. Si Pinang ay solong anak ng kanyang ina. Sa kadahilanang madalas ay hindi ginagamit ni Pinang ang kanyang mata tuwing inuutusan ng ina, sya ay naging isang prutas na may maraming mata.

  2. Alamat Ni Malakas at Maganda - Ito ay kwento tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino. Noong unang panahon ay wala pang anumang nilalang sa daigdig kaya't naisipan ng Dyos ng lumikha ng nilalang sa mundo. Isa sa mga naunang nalikha ng Dyos ay ang mga ibon. Sa paglipad ng ibon ay nakakita ito ng kawayan, ang kawayang iyon ay kanyang tinuktok at doon na nga lumabas sina Malakas at Maganda.

  3. Alamat Ng Rosas - Ito'y tungkol sa isang babaeng nag ngangalang Rosa. Si Rosa ay malapit ng ikasal noong matuklasang may malubhang sakit ang nobyo. Sa kabila nito ay natuloy pa rin ang kanilang kasal at inalagaan ni Rosa ang asawa hanggang sa mga huling sandali nito. Dumaan ang maraming panahon ay di na nag asawa si Rosa. Tumanda ito at bago namatay ay humiling ito na itabi ang puntod katabi ng namayapang asawa. May tumubong misteryosong bulaklak sa puntod ni Rosa. Bilang pag alala ay ipinangalan ang bulaklak sa babae.

  4. Alamat Ng Langgam - Ito'y tungkol sa isang mag-anak na ubod ng sipag. Umaraw o umulan ay tuloy ang pag hahanapbuhay ng mag-anak. Kaya't dumami ang kanilang ani. Nang dumating ang tag gutom ay sagana sa pagkain ang mag anak, ngunit dahil may mabuting loob ang mag anak ay nagbigay ito ng pagkain sa mga kabababayan. Ngunit sa di inaasahan pagkakataon ay namatay sa sunog ang mag-anak dahil sa kagagawan ng nainggit. Lumipas ang mga araw ay natuklasan na lang ng mga taga nayon na may tila maliit na insekto ang nag-iimpok ng pagkain malapit sa nasunog na bahay ng mag-anak. Pinaniwalaang iyon ay ang mag-anak

  5. Alamat ng Gagamba - Ang kwentong ito ay tungkol sa isang batang biniyayaan ng husay sa pananahi. Ang bata ay si Amba. Naging marangya ang pamumuhay ng pamilya ni Amba buhat nung mabenta ang mga tela tinahi nya ngunit habang tumatagal ay nagbago ang ugali ni Amba. Naging mayabang ito at hinamon pa ang mga dyosa sa paligsahan sa pagtahi. Hanggang sa may isang matanda ang humamon sa galing ni Amba sa pagtahi. Hindi matanggap ni Amba na natalo sya ng uugod ugod na matanda kaya't sinaktan nya ito. Ngunit ang matanda pala ay isang engkantada. Isinumpa nito si Amba at ito'y naging gagamba.