MARVICRM.COM

Home / Naging Sultan Si Pilandok (Buod)

Naging Sultan Si Pilandok (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa dagat. Nagkasala di umano sa kasalanang di nya ginawa.

Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makita si Pilandok. Ang Sultan ay magara ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabak nito.

"Hindi ba't ipinatapon na kita sa dagat?" saad ng nagtatakang Sultan.

"Opo mahal na Sultan" tugon naman ni Pilandok.

"Kung gayon, paanong nangyari na ikaw ay nasa aking harapan? dapat ay patay kana ngayon" saad naman ng Sultan

Ipinaliwanag ni Pilandok na di sya namatay sapagkat nakita nya di umano ang mga ninuno sa ilalim nang dagat at siya ay binigyan ng kayamanan.

"Marahil ay nasisiraan kana ng bait" saad muli ng Sultan

"Kasinungalingan po iyan mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa hawla at ipinatapon sa dagat ay muling naririto. May kaharian po sa ilalim ng dagat ngunit ang tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at magpatapon sa gitna ng dagat" mariing saad ni Pilandok

Nagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na ng mga kamag anak

Ngunit di pa nakakalayo ay pinigilan ito ng Sultan. Sinabing gusto rin nitong magtungo sa gitna ng dagat upang makita ang mga ninuno.

Pumayag naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na sya na muna ang mamumuno habang wala ito.

Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat ang Sultan na nasa loob ng hawla.

Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang Sultan.

Mula noon, si Pilandok na ang naging Sultan.