Home / Talambuhay ni Emilio Aguinaldo (Buod)
Source: Google Images
Si Emilio Aguinaldo o "Emilio Famy Aguinaldo, Sr." ay isinilang noong ika-labindalawa ng Marso taong 1869.
Ang kanyang ama ay si ginoong Carlos Aguinaldo na dating alkalde ng Cavite.
Ang kanya namang ina ay si ginang Trinidad Famy.
Si Emilio ay ika-pito sa walong magkakapatid. Ang kanyang magulang ay kapwa may lahing intsik.
Nag aral ng elementarya at sekondarya si Emilio sa Collegio de San Juan de Letran ngunit nahinto ito ng pag aaral noong namatay ang kanyang ama at nang magkaroon ng cholera outbreak noong 1882.
At dahil dito ay napilitan ang kanyang inang si Trinidad na ibenta ang ilan sa kanilang ari-arian upang maipang tustos kanyang walong anak.
Inasikaso na lang din ng ina ni Emilio ang kanilang bukid.
Katuwang ng kanyang ina sa pag aasikaso ng kanilang bukid si Emilio.
Unang pumasok si Emilio sa politika noong 1895 bilang Kapitan ng Binakayan sa Kawit, Cavite.
Si Hilaria Del Rosario ang unang asawa ni Emilio, ngunit si Hilaria ay namatay sa sakit na Ketong sa edad na 44.
Muling nag asawa si Emilio at pinakasalan sa Barasoain Church si Maria Agoncillo noong July 14, 1930.
Si Emilio ay itinalagang Unang pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Malolos noong January 23, 1899.
Ngunit nagtapos ang kanyang panunungkulan noong sya ay mahuli ng mga amerikano sa Palanan,Isabela.
Matagal na nagretiro na si Aguinaldo sa mata ng publiko.
Ngunit noong taong 1935 ay muli syang tumakbo sa pagkapangulo laban sa karibal na si Manuel Quezon. Ngunit nabigo syang manalo.
Namatay si Emilio Aguinaldo sa sakit na "Coronary thrombosis" noong February 6, 1964 sa edad na 94.