MARVICRM.COM

Home / Tips Para Tumaba, 5 Paraan To Gain Weight

Tips Para Tumaba, 5 Paraan To Gain Weight

Source: Google Images

Hirap ka bang tumaba kahit panay naman ang kain mo? walang nadadagdag na timbang kahit isang sakong bigas na nakakakain mo?

Actually gaining weight is much easier than losing it.

Sundin mo lang tong limang tips na nasa list siguradong tataba ka.

Konting introduction lang bago muna tayo mag proceed sa list

Oo problema ko din yang tumaba dati, nung bata pa lang ako patpatin na ako (patpatin = term for skinny). I remember my weight during high school (4th year) days were 45-50 kilograms.

At take note, 5'7 na height ko nun. Para akong kawayan hahaha. Kaya everytime na may bisita sa school na mga doktor at nurse para i check ang mga estudyante ang evaluation lagi sa akin ay "Malnourished".

Hindi kami mayaman pero di rin naman kami kinakapos sa pagkain. Talagang di lang ako tabain kahit anung kainin ko haha.

Fast forward tayo, ngayon ang weight ko na ay 65 Kilograms at yung height ko ay 5'8 at and edad ko as of writing this article ay 28.

Below is the chart to identify if your weight is ideal to your height.

enter image description here


Source: Google Images

Please take note that all of these tips below are based from my personal experience saka ng brother at friend ko na rin

I am not a Doctor but I believe these tips can help you :)

  1. Kumain ka ng 4-5 limang beses isang araw. Oo, kumain ka! hindi ka tataba kung hindi ka kakain. Pero bakit limang beses? saka anung kakainin ko? mga pagkaing mataas ang carbohydrates tulad ng tinapay, kanin, karne ng baboy (lalo na kung may taba), itlog at mga pagkaing matatamis. Maipapayo kong kainin nyo yung kanin. gawin nyo din itong meryenda. nag umpisa akong tumaba nung college, every break time nun lagi ako nakain ng kwek kwek, balot, pares.

masasabi kong napakabilis magpataba ng mga pagkain na yan. Basta remember, kumain ka ng apat hanggang limang beses. kumain ka ng kanin sa umaga, tanghali, meryenda at gabi. Syempre dapat may ulam haha. Anung ulam? kahit ano basta maraming rice ang kainin mo. Kung gulay ulam mas mabuti lalo na kung may halong patatas kasi mataas din carbohydrates nun. pansin mo, pag may mga nag da diet naiwas sa french fries.

  1. Vitamilk, oo nakakataba vitamilk subok ko na di lang ako saka yung ka work kong payat dati haha. mataas sa protina ang vitamilk dahil ito ay gawa sa soya. tapos matamis pa to. may calories.

Well sabi nga ng mismong gumawa ng vitamilk sa fb page nila eh anything with excess nakakataba.

enter image description here


Source: https://www.facebook.com/VitamilkPhilippines/posts/309213142461006

Basta uminom ka din araw araw ng vitamilk you will see the result within 2-3 months promise!

  1. Appeton, oo sobrang effective din nito. Dito naman tumaba yung kuya ko haha. (oo payat din sya like me before).

May kamahalan nga lang itong gatas na to pero ito lang nakapagpataba sa kuya ko. Paki Google nalang kung magkano appeton, price may vary kasi through the years.

  1. Magpuyat ka. A very unhealthy way pero nakakataba din yung pagpupuyat. Nung college days eh madalas akong puyat at napansin ko na bumagal yung metabolism ko hehe. kaya nakadagdag ito sa pagtaba ko. Kabaligtaran ang pagpupuyat ng pagtulog ng maaga, ang pagkakaroon ng mahabang tulog ay nakakapag pabilis ng metabolism.

Ang metabolism ay ang proseso ng pag convert ng pagkain sa enerhiya.

  1. Mag gym ka but not the way na magbabawas ka ng timbang. Kung sa lalake, mag buhat ka ng medyo mabibigat para magbago yung sistema ng katawan mo. nung nag umpisa na kasi ako mag gym nun, lumakas lalo ako kumain which is common na sa mga nag gygym kasi nag bubuild ka ng muscles. Pero nung tumigil akong mag gym dun na ako nag gain pa ng weight hehe. Kaya masasabi kong effective din yung pag gygym :)

Oh hayan yung mga bagay na nakapagtaba sakin, hope it helps sa inyong mga reader.

Basta sundin nyo lang yang tips ko siguradong tataba na kayo :)