MARVICRM.COM

Home / Alamat Ng Waling Waling (Buod)

Alamat Ng Waling Waling (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Noong unang panahon, may isang kaharian sa Mindanao na pinamumunuan ng isang makisig at matapang na sultan. Ito ay si Rajah Solaiman. Kilala sa kanyang husay sa pakikidigma at kinatatakutan sa iba't ibang kaharian.

Sinasabing si Rajah Solaiman ang nagmamay-ari ng sundang, isang uri ng patalim. Inibigay ito di-umano ito ni Bal-lido ang diyosa ng digmaan.

Dahil sa galing sa pakikidigma ay ipinagkaloob ito ng diyosa kay Solaiman. Isa sa mga digmaang kinasangkutan ni Solaiman ay ang digmaan sa Seta Tem-mon.

Nagwagi ang Rajah sa labanang iyon ngunit ito ay dahil sa tulong ni Bal-lido. Sa labanang iyon ay ipinagkaloob nito kay Rajah Solaiman ang patalim na iyon.

Ngunit bago ito ipagkaloob ay sinubukan muna ng diyosa si Solaiman, inutos na putulin nito ang kaliwang braso. Di na nagdalawang isip ang Rajah at nang tumama na ang patalim sa kanyang braso ay himalang di ito tinablan.

Sabi ng diyosa ay hindi na kailanman ay di na tatablan ng kahit anung sandata ang katawan ng Rajah. Sinabi din nitong si Rajah ay mamatay lamang sa utos nya.

Ngunit kung anung galing ng Rajah sa pakikidigma ay sya ring bagsik nito sa pag-ibig. Ang lahat ng matipuhang babae sa kanilang lugar ay kanyang nakukuha. Kung may aalis man ay may darating na tatlo.

Madalas umalingaw ngaw sa kanyang nasasakupan ang takot ng mga kababaihan.

"Itago ang asawa't mga anak na babae dahil ang Rajah ay paparating"

Sa dulo ng kanyang nasasakupan ay may isang mangingisda na tapat na naglilingkod sa Rajah. Kasama nito ang anak na dalaga na naninirahan doon.

Ang dalagang iyon ay si Waling Waling. Dahil sa taglay na ganda ay itinago sya ng kanyang ama sa gitna ng kagubatan. Alam ng ama ng dalaga na matitipuhan ito ng Rajah sapagkat ang ganda nito ay kakaiba.

Tumira si Waling Waling sa itaas ng punong mahogany at napapaligiran ito ng mga ilang ilang at ilang halamang gubat. Tanging ang kanyang ama lamang ang nakakaalam kung paano makaakyat dito.

Ang ganda ni Waling Waling ay talagang kamangha mangha. Ang kinis nito ay singkinis ng sutla, ang buhok ay sing itim ng uling, ang kanyang mga pisngi naman ay tila nadampian ng rosas, ang mga matang sing ning-ning ng mga alitaptap sa dilim at ang mga pilikmata ay pakurba.

Isang araw, habang nangangaso ang Rajah ay napansin nito na tila may nakatira sa itaas ng isang mataas na puno. Sa gitna ng puno ay nasilayan nito si Waling Waling. Sa unang kita pa lamang ay tila nabato balani ang Rajah sa taglay nitong ganda.

"Sino ang iyong ama?" sigaw ng Rajah sa babaeng nasa taas ng puno

Hindi nakasagot si Waling Waling sa takot na may gawing masama ang Rajah sa kanyang ama.

Sa pagtulog ng kanyang ama ay nananaginip ito ng masama tungkol sa masamang sasapitin ng anak sa kamay ng Rajah.

At dahil dito ay kumaripas ito ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Waling Waling ngunit laking gulat nya ng abutan nya ang galit na galit na Rajah.

"Paano mo naitago sa akin ang iyong anak na napakaganda?" saad ng Rajah

"Hindi kita papatayin, ang nais ko ay pakasalan ang iyong anak at nangangakong siya ay gagawing kong aking reyna"

"Sabihin mo sa kanya ay bumaba ng puno" dagdag pa nito

Sa utos ng ama ay nagpasyang bumaba na din si Waling Waling. Ngunit nang nasa kalahati pa lamang siya ng puno ay isang liwanag ang bumalot sa gubat.

Nakita nila ang katawan ni Waling Waling na papaliit ng papaliit at tila sumabit sa mga sanga ng puno ang katawan nito ay itong naging isang bulaklak. Isang bulaklak na may lila at pulang batik sa kanyang mga talulot.

Hindi makapaniwala ang Rajah at ang ama ni Waling Waling sa sinapit nito.

Pagbalik ng Rajah sa palasyo ay inutusan nito ang mga kawal na kumuha ng bulaklak ng Waling Waling sa gubat upang ipalamuti sa mga puno sa palasyo. Isang pag-alaala sa pag-ibig na sana ay naabot nya.