Home / Cupid At Psyche (Buod)
Source: Google Images
Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche. Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang kagandahan ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.
Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung unang beses pa lamang nya itong nakita.
Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si Venus.
Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay Psyche.
Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay Apollo upang himingi ng payo.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.
Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang halimaw.
Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.
Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya.
Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng hangin patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.
Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang isang mansyon na tila ginawa para sa mga Dyos.
Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang piging.
Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain. Sa pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya.
Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang hinihintay.
Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na magpakita sa mga kapatid.
Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki.
Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang magkakapatid.
Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.
Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa.
Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.
Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.
Sa pagnanais na makita ang mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na syang dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis.
Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita.
Narinig na lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.
Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang isang Dyosa.
Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito ay tumangging makaaway si Venus.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang mapapangasawa.
Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay Proserpine.
Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay ibinilanggo siya upang di makita si Psyche.
Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.
Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal.
Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.
Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din itong Dyosa.
Mga iba pang Mitolohiya
Hercules at ang Erymanthian Boar (Buod)