MARVICRM.COM

Home / Imperyong Ghana

Imperyong Ghana

enter image description here


Source: Google Images

Ang Imperyong Ghana ay sinasabing umusbong noon pa lamang 300 hanggang 350 AD. Ang Ghana Empire ay kilala din sa tawag na "Awkar" na ngayon ay matatagpuan sa Southeastern Mauritania at Western Mali. Ang pagkakaroon ng camel sa Western Sahara ang nagbukas sa rehiyong iyon upang maging imperyo. Gamit nila ang camel sa kalakalan upang mapabilis ang proseso nito. Ginto at asin ang pangunahing kinakalakal ng imperyong Ghana.

Lubos na umunlad ang imperyo at ito ay nagdulot pa ng kanilang pagpapalawak ng nasasakupan. Ngunit hindi matukoy kung hanggang saan ang kanilang nasasakupan ayon na rin ito sa talaan ni Mu?ammad ibn M?s? al-Khw?rizm? noong 830 AD.

Noong 11th century, saad ni Abu Ubayd al-Bakri, ang imperyong Ghana ay mayroong malakas na pwersang militar at kaya nilang magtalaga ng hanggang 200,000 na katao sa labanan. 40,000 sa mga ito ay archer o tagapana.

Noong bumagsak na ang imperyong Ghana ay agad namang umusbong ang imperyong Mali.

Ayon kay Maurice Delafosse na isang ethnographer o eksperto sa pag aaral ng kultura ng mga tao, ang Ghana ay itinatag ng mga Berbers. Ang mga Berbers ay isang grupo na nagmula sa Benu River, Middle Africa.

Mga namuno sa Imperyong Ghana

  • King Kaya Magha (350 AD)
  • King Reidja Akba (1400-1415 AD)

    Ang salitang Ghana ay "Warrior King" sa salitang "Soninke". Ang lengwaheng Soninke ay gamit ng mga taga West Africa.
enter image description here


Source: Google Images

Naging ambag ng imperyong Ghana ang pag gamit ng camel lalo na sa mga bansang sakop ng Middle East.