MARVICRM.COM

Home / Mga Presidente Ng Pilipinas, Listahan Ng Mga Naging Pangulo Ng Pilipinas

Mga Presidente Ng Pilipinas, Listahan Ng Mga Naging Pangulo Ng Pilipinas

enter image description here


Source: Google Images

Narito ang listahan ng mga naging at kasalukuyang pangulo ng Pilipinas. Sa ilalim ng kasalukuyang konstitusyon, ang pangulo ng Pilipinas ay ang may pinakamataas ng katungkulan sa gobyerno. Sya rin ang nagsisilbing commander-in-chief ng sandatahang lakas ng Pilipinas o "Armed forces of the Philippines". Sa Pilipinas, ang pangulo ay halal ng taong bayan. Ang sinumang may wastong gulang mula 18 pataas ay maari nang bumoto.

Ang kwalipikasyon naman sa pagka pangulo ay ang mga sumusunod:

  • Rehistradong botante ng Pilipinas
  • Marunong bumasa at sumulat
  • At least 40 years old
  • Kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas sa loob ng sampung taon bago ang eleksyon
    Ayon sa 1987 Philippine Constitution, sa ilalim ng Article 7, Section 4

"The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June next following the day of the election and shall end at noon of the same date, six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time."
Samakatuwid ay hindi na sya maaring tumakbo pang muli sa susunod na eleksyon. (Katulad din ng Vice President).

Ang presidente ng Pilipinas ay mayroon lamang anim (6) na taon para magsilbi. Ngunit bago pa ang 1987 Philippine Constitution, si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay nagsilbi ng mahigit dalawampung taon o 20 years.

Narito ang listahan ng mga naging at kasalukuyang presidente ng Pilipinas:

  1. Emilio F. Aguinaldo - Dineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas noong June 12, 1898 at siya ay nahirang na pangulo ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan noong January 23, 1899.
enter image description here


Source: Wikipedia

Matapos matalo ang mga espanyol sa tulong ng mga Amerikano, hindi kinilala ng mga Amerikano ang pamamahala ni Aguinaldo. Noong February 4, 1899, nagdeklara ang Pilipinas ng gyera kontra Amerikano. Ngunit dalawang taon ang lumipas, noong March 23, 1901, si Aguinaldo ay nahuli ng mga Amerikano at nagtapos ang pamamahala nito.

  1. Manuel L. Quezon - Nanalo si Quezon sa pagkapangulo noong 1935. Kalaban nya sa pagka pangulo si Aguinaldo at ang isa pang karibal na si Gregorio Aglipay.
enter image description here


Source: Wikipedia

Si Quezon ay nanilbihihan bilang pangulo ng Pilipinas sa loob ng dalawang termino mula 1935 hanggang 1941 at 1941 hanggang 1944. Si Quezon ay naging dating tauhan ni Aguinaldo noong panahong kalaban pa ng pamahalaan ang mga Amerikano.

  1. Sergio Osmena Sr. - Si Osmena ay naging ika-tatlong pangulo ng Pilipinas matapos ang pagkamatay ni Quezon noong 1944 sa sakit na tuberculosis.
enter image description here


Source: Google Images

Si Osme�a ay nagsilbi lamang sa loob ng mahigit isang taon sapagkat itinuloy lamang nito ang termino ni Quezon hanggang 1946. Nagpasyang tumakbo si Osmena noong 1946 ngunit bigong manalo laban kay Manuel Roxas.

  1. Jose P. Laurel - Si Laurel ay ang unang naging pangulo ng ikalawang republika ng Pilipinas noong 1943 hanggang 1945. Sinasabing si Laurel ay namuno noong panahong ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng mga hapon.
enter image description here


Source: Wikipedia

Matapos ang pagkamatay ni Roxas ay tumakbo sa pagkapangulo si Laurel noong 1949 ngunit ito'y bigo laban kay Elpidio Quirino.

Si Jose P. Laurel ang nagtatag ng Lyceum of the Philippines University noong 1952.

  1. Manuel Roxas - Si Roxas ay nahalal na pangulo noong 1946 at siya ang itinuturing na huling presidente sa ilalim ng commonwealth. Ang "Commonwealth" ay ang pangalan ng pamamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng panahon ng mga Amerikano.
enter image description here


Source: Wikipedia

Nagsilbi si Roxas bilang pangulo hanggang sa kanyang kamatayan noong 1948 dahil sa heart attack.

  1. Elpidio Quirino - Si Quirino ay nahalal na pangulo noong 1949 laban kay Jose P. Laurel. Si Quirino ay nanilbihang bilang pangulo hanggang taong 1953. Muli ay tumakbo sya sa pagkapangulo noong 1953 ngunit bigong manalo laban kay Ramon Magsaysay.
enter image description here


Source: Wikipedia

Si Quirino ang unang pangulo ng ikatlong republika ng Pilipinas.

  1. Ramon Magsaysay - Si Magsaysay ay nahalal na pangulo noong 1953, tinaguriang "Kampyon ng Masa". Simula noong mahalal ay binuksan ni Magsaysay ang Malaca�ang sa publiko. Ngunit maagang natapos ang termino ni Magsaysay sapagkat siya'y namatay sa plane crash noong 1957.
enter image description here


Source: Wikipedia

Tinatayang dalawang milyong katao ang dumalo sa kanyang libing.

  1. Carlos P. Garcia - Matapos ang pagkamatay ni Magsaysay noong 1957, nanumpa si Garcia bilang ikawalong pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi syang pangulo mula 1957 hanggang 1961. Siya ay kilala sa polisiyang "Filipino First". Ang patakarang ito ay prayoridad ang mga Pilipinong negosyante bago ang mga dayuhang investor.
enter image description here


Source: Wikipedia

Muling tumakbo si Garcia sa pagkapangulo noong 1961 ngunit bigong manalo laban kay Diosdado Macapagal.

  1. Diosdado Macapagal - Si Macapagal ay nagsilbing pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965. Pinangunahan ni Macapagal ang Agricultural Land Reform Code of 1963 o ang reporma sa lupa ng mga magsasaka.
enter image description here


Source: Wikipedia

Noong 1965, muling tumakbo sa pagkapangulo si Macapagal ngunit ito'y bigo laban kay Ferdinand Marcos.

  1. Ferdinand Marcos - Si Marcos ay nahalal noong 1965 at nagsilbing pangulo hanggang 1986. Si Marcos ang pinakamatagal na nanilbihang bilang pangulo ng Pilipinas sa loob ng mahigit (20) dalawampung taon.
enter image description here


Source: Wikipedia

Noong 1986 dulot ng People Power Revolution, kasama ang pamilya ay nagtungo si Marcos papuntang Hawaii. Doon na rin namatay si Marcos noong September 28, 1989. Ang kanyang labi ay dinala sa Pilipinas noong termino na ni Pangulong Fidel Ramos.

  1. Corazon C. Aquino - Si Aquino ay inihalal ng taong bayan bilang unang babaeng pangulo noong 1986. Pinangunahan ni Aquino ang "1987 Philippine Constitution".
enter image description here


Source: Google Images

Si Aquino ay nagsilbi bilang pangulo hanggang taong 1992.

  1. Fidel V. Ramos - Si Ramos ay ang ika labindalawang pangulo ng Pilipinas noong 1992 laban kay Miriam Defensor Santiago.
enter image description here


Source: Wikipedia

Nanilbihan si Ramos bilang pangulo hanggang taong 1998.

  1. Joseph Ejercito Estrada - Si Estrada ay nahalal maging pangulo taong 1998. Siya ang ika labintatlong pangulo ng Pilipinas. Bago sumabak ng politika ay sikat na si Estrada bilang artista sa pinilakang tabing.
enter image description here


Source: Wikipedia

Nanilbihan bilang pangulo si Estrada hanggang sa sya ay mapatalsik dulot ng ikalawang People Power Revolution noong 2001.

  1. Gloria Macapagal-Arroyo - Si Arroyo ay ang ikalawang babaeng presidente ng Pilipinas. Matapos mapatalsik sa pwesto si Estrada ay nanumpa si Arroyo noong 2001.
enter image description here


Source: Wikipedia

Naging kontrobersyal din si Arroyo matapos pumutok ang "Hello Garci Scandal" na di umanoy nakipag-usap si Arroyo sa noo'y Election Commissioner Virgilio Garcillano habang kasagsagan ng eleksyon noong 2004. Kalauna'y humingi si Arroyo ng paumanhin mula sa publiko. Nanilbihan si Arroyo hanggang sa kanyang huling termino noong 2010

  1. Benigno S. Aquino III - Si Aquino ay nahalal sa pagkapangulo noong 2010 sa ilalim ng liberal party. Siya rin ang ika labinlimang pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang republika ng Pilipinas.
enter image description here


Source: Wikipedia

Nanilbihan si Aquino hanggang 2016.

  1. Rodrigo Roa Duterte - Ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas ay si Duterte. Nahalal sya noong 2016 laban kina Mar Roxas, Grace Poe, Jejomar Binay at Miriam Defensor Santiago.
enter image description here


Source: Wikipedia

Bago mahalal na pangulo ay nagsilbing alkalde ng Davao si Duterte sa loob ng apat na termino or mahigit dalampung (20) taon.