Home / Munting Pagsinta (Buod)
Source: Google Images
Mula sa pelikulang Monggol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Brodrov
Narito ang buod
Ang istoryang ito ay tungkol sa Tribong Borjigin na kinabibilangan ni Yesgei at ang kanyang anak na siyam na taong gulang na si Temjin.
Habang nagmumuni muni si Temjin ay bigla na lamang syang nagulat sa kanyang amang si Yesgei na humahangos at sinabing sila ay aalis. Ang saad nito ay malayo pa daw ang kanilang lalakbayin kaya't nagmamadali ito.
"Bakit Ama?" tanong ni Temjin
Ang tugon naman ng kanyang ama ay agad na ikinagulat ni Temjin. Ang nais ng kanyang ama ay maghanap na sya ng mapapangasawa upang sa ganoon ay makabawi ang kanyang ama sa atraso sa tribong Merit.
Katwiran ni Temjin ay masyado pa syang bata upang ikasal. Ngunit saad ng kanyang ama ay hindi ibig sabihin na nakapili na ng mapapangasawa ay magpapakasal na sya. Ito daw ay simpleng pamimili lamang ng babae.
Agad na naglakbay ang mag-ama patungo sa lugar ng tribong Merit ngunit ng mapagod ay nagpahinga ang mga ito.
Nang tumigil sila sa isang lugar ay nagpasya ang bata na galugarin ang paligid. Nang mapadpad ito sa isang dampa ay nakita nito ang isang dalagitang si Borte. Nagulat ito at inakalang si Temjin ay magnanakaw. Ngunit nagpaliwanag naman ang bata.
Tila nahulog agad ang loob ni Temjin sa dalagitang si Borte at tatawa tawa nitong inamin ang totoong pakay.
Sinabi nitong papunta sila sa isang lugar upang makahanap sya ng mapapangasawa ngunit si Borte na ang kanyang pipiliing mapangasawa.
Noong una ay nag alinlangan pa si Borte ngunit pumayag din ito na mapangasawa ni Temjin. Nangako si Temjin na babalikan si Borte pagkalipas ng limang taon.
Magkahawak kamay na bumalik si Temjin at Borte sa lugar ng kanyang ama. Ipinaliwanag nito na si Borte ang kanyang napili.
Pagkatapos noon ay nagtungo sila sa magulang ni Borte upang ipagkasundo.