MARVICRM.COM

Home / Sinag Sa Karimlan (Buod)

Sinag Sa Karimlan (Buod)

enter image description here


Source: Google Images

Narito ang buod ng sinag sa karimlan ni Dionisio Salazar

Sa isang panig ng pagamutan ng Muntinlupa ay naroroon sina Tony, isang binatang bilanggo dahil sa pagnanakaw. Si Ernan na isang manunulat at professor sa Maynila na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat na nagpapakalat ng maling impormasyon. Si Doming na nakulong dahil sa pagbaril sa kalaguyo ng misis at si Bok na labas masok na ng kulungan.

Nahospital si Tony matapos syang masaksak sa kadahilanang ayaw nyang sumama sa pagtakas sa kulungan, kasama nya sa kwarto si Ernan na inoperahan dahil almoranas, si Doming naman ay may plaster ang paa at si Bok ay may trangkaso.

Dito ay nakilala nila ang isa't isa. Lubos na humanga si Tony kay Ernan sapagkat nabasa na ng binata ang kanyang mga akda. Tinanung din ni Bok kung anung Gang kabilang si Tony ngunit sinabi nitong sawa na sa mga Gang o barkada sapagkat ayun ang naging dahilan ng kanyang pagkakakulong. Kinilalang mabuti ni Ernan si Tony at humanga din sa angking talino ng binata at inakalang ito ay nag-aaral ng batas.

Subalit nabanggit ni Tony na elementarya lamang ang kanyang natapos ngunit sya ay valedictorian. Ikinuwento ni Tony na ang kanyang ama ay empleyado at maraming bisyo. Ang kanyang ina ay napakabait kahit di kasya ang sahod na binibigay ng kanyang ama.

Nagkaproblema ang pamilya ni Tony ng malaman ng kanyang ina na may babae ang kanyang ama. Naghiwalay ang mga ito at di lumaon ay nagkasakit. Ang kanyang kapatid na babae naman ay namatay.

Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina ay di kinaya ni Tony ang mga gastusin kaya't natuto itong bumarkada at magnakaw. Sinisi ni Tony ang lahat sa kanyang ama.

Matalinong bata si Tony at nais syang tulungan ni Ernan at ni Padre Abena at nangakong pag-aaralin ang binata.

Isang araw, sa hindi inaasahan pagkakataon ay dumalaw ang kanyang amang si Luis sa bilanguan. Nagkita si Tony at ang kanyang ama. Dito nabanggit ng kanyang ama na limang bwan na nyang pinaghahanap ang anak at nang malamang nakakulong ay nilakad nito ang paglaya ni Tony.

Humingi ng tulong ang kanyang ama sa isang senador para mabigyan ng parole ang binata. Nakipag-ayos din ang ama ni Luis sa kanyang ina na inakala ni Tony na patay na ngunit ito pala'y magaling na.

Sa kabila ng paliwanag ay masama pa rin ang loob ni Tony at nang malaman ito ng ilang kasamahan at nang kanyang nurse na si Ms. Reyes, si Tony ay pinangaralan at pinaalala ang kahalagahan ng isang ama.

Nang dumalaw muli ang kanyang ama ay napatawad na nya ito at sila'y nagyakap.