MARVICRM.COM

Home / Song Of Roland (Tagalog Version)

Song Of Roland (Tagalog Version)

enter image description here


Source: Wikipedia

Ang "Song of Roland" ay isang epikong pranses na ibinase sa Battle of Roncevaux Pass noong taong 778, sa pamumuno na rin ni Haring Charlemagne. Sinasabing ito ang pinakamatanda at natitirang literatura ng mga pranses.

Narito ang buod ng Song of Roland na isinalin sa tagalog

Ang hukbo ni Haring Charlemagne ay kinakalaban ang mga muslim sa Spain. Ang natitirang siyudad doon ay ang Saragossa na hawak ni Haring Marsile, isang muslim.

Dahil sa takot sa sandatahang lakas ni Haring Charlemagne ay nagpadala si Haring Marsile ng isang mensahero papunta kay Haring Charlemagne upang ipabatid ang pangakong kayamanan at pagpapalit ng relihiyon patungo sa Kristianismo.

Ngunit kapalit nito ay ang pag-balik ni Haring Charlemagne papuntang France.

Dahil sawa na din sa pakikipagdigmaan ay tinanggap ni Haring Charlemagne ang alok ni Haring Marsile.

Kailangan na lamang nilang pumili ng mensahero upang ipadala ang mensahe ng pagtanggap ng alok ni Haring Marsile.

Si Roland, isang mandirigma at kanang kamay ni Haring Charlemagne ay nagmungkahing ang kanyang step father na si Ganelon na lang ang piliing mensahero. Lubos na nagalit si Ganelon sapagkat alam nyang mamamatay sya kampo ng kalaban.

Sa pag-aakalang gusto lamang syang ipahamak ni Roland at dahil na rin sa inggit ay lihim na nakipagtulungan si Ganelon sa mga muslim.

Sinabi nito kung papaano matatambangan ang mga hukbo ni Haring Charlemagne na alam nyang pangungunahan ni Roland.

Tulad ng sinabi ni Ganelon ay totoo nga na pinangunahan ni Roland ang hukbo ni Haring Charlemagne.

Habang pabalik na ng kanilang bansa si Roland kasama ang arsobispong si Turpin, Olivier at ang hukbo ay biglang tinambangan ito ng mga hukbo ni Haring Marsile.

Dahil lubhang mas madami ang kalaban ay unti-unting nabawasan ang pwersa nila Roland.

Nagmungkahi ang kaibigan nito na si Olivier na hipan nito ang trumpeta upang humingi ng tulong mula kay Haring Charlemagne.

Ngunit tumanggi si Roland at buong tapang na sinabing kaya nilang matalo ang mga muslim.

Ngunit talagang mas malakas ang kampo ng kalaban kaya't walang natira sa hukbo ni Haring Charlemagne kundi si Roland na lamang.

Bagamat alam nyang huli na ang lahat upang matulungan pa sila ni Haring Charlemagne ay buong pwersang hinipan ni Roland and trumpeta upang humingi ng tulong.

Nang makarating na si Haring Charlemagne kasama ang kanyang mga kawal ay tanging mga bangkay na lamang ng kanyang mga tauhan ang nandoon.

Nakatakas na ang mga muslim ngunit hinabol nila ito hanggang sa ilog ng Ebro kung saan ang mga ito ay nalunod.

Tagumpay namang nakatakas si Haring Marsile.

Samantala, ang makapangyarihang emir ng Babylon na si Baligant ay nagtungo ng Spain upang sumaklolo kay Haring Marsile.

Doon sa Roncesvals ay naglaban sila ni Haring Charlemagne. Madugong labanan ang nangyari at sa huli ay nanaig ang pwersa ni Haring Charlemagne.

Ngayong wala ng mga kalaban sa Saragossa ay nasakop na nila ang syudad. Kasama ang Reyna ni Marsile na si Bramimonde ay bumalik na sila patungong France.

Nang malaman ni Haring Charlemagne ang kataksilan ni Ganelon ay agad itong ikinadena hanggang sa kanyang paglilitis. Ngunit ng mapatunayang nagkasala ay binitay ito.