Home / Ang Hipon at Biya (Buod)
Akda ni Carla Pacis
Sa puting buhangin ng tangrib, dito ay magkasamangnamumuhay ang magkaibigang hipon at biya.
Kahit di sila magkauri ay magkasama silang namumuhay.
Trabaho ni hipon ang bungkalin ang buhangin upangmapanatiling maayos ang kanilang lungga.
Dahil sa kanyang sampung binti ay walang kahiraphirap si hipon na linisin ito. Sinisiguro din ni hipon na si biya ay nakakakain ng maayos.
Trabaho naman ni biya ang bantayan ang lungga labansa mga malalaking isda. Dahil malabo ang mata ni hipon,
Ang pagpilantik ng buntot ni biya ang senyas upang bumalik si hipon sa kanilang lungga.
Dahil sa ilang araw na pagbagyo ay nag-away si hipon at biya.
"Wag ka namang lumangoy langoy lang dyan, kumilos ka din". saad ni hipon kay biya.
"Ano namang magagawa ko. Wala namang makakapasok sa ating lungga" sabat naman ni biya
Alam ni hipon na tama si Biya ngunit bakit lagi na lamang siya ang kumikilos.
"Ikuha mo ako ng pagkain""kamutin mo ang likod ko!"
Ngunit di naman magawa ni biya ang inuutos sapagkat wala syang mga kamay.
Hindi natiis ni biya ang mga inuutos ni hipon kaya'tsya ay lumabas na ng kanilang lungga.
Walang nagawa si hipon upang sya ay pigilan.
Bago pa man lumubog ang araw ay takot na takot si hipon na lumabas ng kanilang lungga. Muntikan pa itong makain ng dolphin at pawikan.
Naglakbay naman si biya upang makahanap ng bagong lungga ngunit bigo sapagkat ang lahat ng nakikita nya ay mayroon nang nakatirang ibang hipon at biya.
Gutom na gutom na bumalik si biya sa kanilang lungga.
Pagsikat ng araw ay nagbungkal si hipon ng makakainat nakita nya sa labas ang gutom na gutom na si biya.
"Kailangan kita upang bantayan ako, ipinapangako ko na magiging mabait at hindi ko na ipapagawa ang mga bagay na alam kong hindi mo kayang gawin."
Mula noon payapang namuhay si hipon at biya.