MARVICRM.COM

Home / Handog kay Isabella (Buod)

Handog kay Isabella (Buod)

enter image description here


Kwento Ni Luis R. Gatmaitan, M.D.

Disclaimer: This post is for educational purpose only. This work is copyrighted by the author.

Maaga akong gumising nang araw na yon. Maynakatakda kasi kaming test sa eskuwelahan. Perosinabihan ako ni Nanay na bumalik muna sa higaan.Anak, malaki ang baha. Wala raw kayongpasok.

Agad akong dumungaw sa aming bintana.Lampas-tuhod na nga ang baha! Panay kasi angpag-ulan nitong mga nagdaang araw.

Ang nakapagtataka , dati rati namang hindi kamibinabaha. Ngayon lang ito nangyari.Siguro po, maraming basurang nakabarasa mga kanal, sabi ko kay Nanay.

Sabi po ni Titser, dapat dawibukod ang basurang nabubulok sa di- nabubulok, sabad pa ni Kuya Ethan nanagising na rin.Tumulong na lang kami kay Nanaysa paglilinis ng aming bahay.

Ilang araw din bago tuluyanghumupa ang baha. Muli kamingnakapasok sa eskwelahan.

Naku, Aryn, may sakit palaang best friend mo. Nilalagnat daw!balita ni Levy.Ha? Kaya pala ilang arawnang hindi pumapasok si Isabella.

Nagpasama ako kay Levy nadumalaw sa bahay nina Isabella. Perohindi ko siya nadatnan.Dinala na siya ng tatay niya saospital kanina. Laging mataas ang lagnatniya noong mga nagdaang araw. Tapos,kung kailan nawala ang kanyang lagnat,saka naman nagdugo ang kanyang ilong!kuwento ni Lola Luring.

Mabilis na kumalat ang balita.Kahit sa radyo at TV ay nababanggit angaming barangay. Nagkaroon daw ngmaraming kaso ng dengue fever saaming lugar.

Nalungkot ako nang malamangnagkasakit nga ng dengue fever ang akingkaibigan. Sabi pa ni Titser Ligaya, bakakailangan pa daw na masalinan ng dugo siIsabella.

Nanay, ganon po ba talaga pag may dengue fever?Oo, Anak, nauwi sa pagdurugo ang kanyang dengue fever. Epektoyon ng labis na pagbagsak ng kanyang platelet count.

Pag-uwi sa bahay, ikinuwento ko kayTatay ang nangyari kay Isabella. Sabi ko sakanya, ang sama-sama pala ng lamok namay dala ng dengue virus. Inuubos nito angating platelets.Tatay, puwede po ba kayong mag- donate ng dugo para kay Isabella? Kasikailangan daw po niya ng maramingplatelets.Agad namang tumugon si Taty.Hayaan mo, Anak at pupunta ako sa ospitalpara magpasuri. Isasama ko rin angdalawang kumpare ko.

Pinakiusapan ko rin angdalawang tita ko. Puwede po ba natingbigyan ng dugo si Isabella?Puwedeng-puwede!Noon ko lang nalaman na lagipalang nagbibigay ng dugo si Tita Leahsa Blood Center kada ikatlong buwan.

Kung gaano kabilis ang balita tungkolsa naging karamdaman ni Isabella, ganoondin kabilis ang pagtugon ng aming mgakabarangay.

Sa isang iglap, nagtugon ang mgatatay ng aming mga kaklase.Lahat ay handang magbigay ng dugopara makaligtas si Isabella. At hindi langyon, pati raw pala si Titser Ligaya at angaming prinsipal ay nandoon din sa BloodCenter para magpakuha ng dugo.

Hindi nagtagal at gumaling siIsabella. Ikinuwento ko sa kanya kungpaanong kumilos ang aming mgakabarangay para mailigtas angbuhay niya mula sa dengue.

Nang sumunod na linggo, nagpatawagng pulong ang kapitan ng aming barangay.May mga gagawin daw kaming hakbang parahindi na muling pamahayan ng mga pestenglamok ang aming lugar. Heto ang mgasuhestiyon ng aming mga kabarangay.Padaluyin ang mga nabarang kanal.Itapon ang mga basyong lata bote, atgulong na puwedeng pamahayan ng lamok.I-check ang paligid matapos ang matindingpag-ulan at pagbaha.Gawing regular ang paglilinis ng bakuran.

Mga basuray itinatapon na satamang lalagyan. Muling dumaloy angmga tubig sa imburnal. Lahat ngsisidlang naglalaman ng tubig ay amingbinabantayan.Pati ang flower vase ni TitserLigaya ay hindi napuwera. Walang lamokna dito ay puwedeng tumira.