Home / Taong may allergy sa tubig!
Sa article na ito ay pagusapannatin today ang taong may pambihirang allergy..sa tubig??
parang napakahirap paniwalaan na may ganoong kondisyon dahil hindi ka naman mabubuhay kung hindika iinom ng tubig.. at ayon nga sa pag aaral, 73% ng utak at puso ng tao ay binubuo ng tubig. Maging ang ating lungs mayroong 83% nito, pati na rin ang iba pang internal organs. Kahit nga ang ating mundo ay napapaligiran din ng tubig.
Napakahirap magkaroon ng ganoong kondisyon at malamang eh maitatanong mo rin kung paano kaya makakapaligo ang taong may allergy sa tubig???
Ang aquagenic urticaria o water urticaria ay isang uri kondisyon na nagdudulot ng pamumula at pangangati ng balat.
ito ay umaatake kapag uminom ng tubig o nababasa ang balat.
Sa madaling salita ang aquagenic urticaria, ay allergy sa tubig.
Napakabihira ng kondisyong ito at simula noong 1964, ay less than 100 pa lamang daw sa buong mundo ang may ganitong kaso.
Karamihan sa mga naitalang mayroon nito ay babae.
Dito nga natin ikukwento ang istorya ng ilan sa mga may ganitong kaso.
TESSA HANSEN SMITH
SI Tessa Hansen-Smith. 21 years old at estudyante ng University of California.
Bata pa lamang daw si Tessa ay madalas nang mangati ang balat nito sa tuwing ito ay maliligo. Ang balat nito ay namumula at nagkakaroon ng rashes. Nagsawalang bahala lamang ang kanyang mga magulang at inakalang ang nangyayari kay Tessa ay bunga lamang ng allergy sa sabon o shampoona kanyang ginagamit. Humantong na nga sa puntong halos hindi na gumagamit ng shampoo o sabon si Tessa. Gayunpaman ay hindi pa rin nawawala ang pamumula ng balat ni tessa. Kahit doktor ang ina ni tessa ay naguguluhan pa rin ito sa kondisyon ng anak. Lumipas na lamang ang dalawang taon ay saka na lamang nito natukoy na si tessa ay mayroong napakabihirang kondisyon na aquagenic urticaria.
Kinalakihan na ni Tessa ang ganoong kondisyon at saad nya ay umiinom sya ng syam na allergy tablet para kahit papaano ay mabawasan ang mga rashes sa kanyang balat. Dagdag pa ng dalaga, habang sya ay nagkakaedad ay lalong lumalala ang kanyang kondisyon.
Dahil kahit ang kanyang sariling luha, pawis at laway ay nagdudulot ng pangangati sa kanyang balat. Madalas din sya mahilo at magsuka sa tuwing kumakain ng mga pagkaingmay katas tulad ng prutas at gulay, maging ang pag inom ng tubig ay parusa kay tessa. Dahil sa kanyang kondisyon ay kailangan pa sya alalayan sa tuwing sya ay papasok ng school. Madalas kasi ay umuuwi ito ng maaga dahil sa kanyang allergy.
Hanggang sa ngayon ay nakikipaglaban pa rin si Tessa sa kondisyong ito at sa kanyang instagram ay ibinabahagi nya ang kanyang mga pinagdadaanan.
Saad pa ng dalaga, para sa kanya ang makaattend sa buong subject at makita ang mga kaibigan ay napakalaking bagay na para sa kanya.
Cherelle (Sherel) Farrugia
Si Cherelle (Sherel) Farrugia, 26 years old ay mayroon ding kondisyon na katulad ng kay Tessa. Ang kaibahan lang nilang dalawa,si cherelle ay nakuha ang kanyang allergy sa tubig matapos nyang manganak sa kanyang panganay. Saad ni cherelle, nang nagkaroon sya ng ganitong kondisyon ay nahirapan na syang maligo ng matagal dahil saad nya, hindi pa tumatagal sa paliligo ay nangangati na agad ang balat nya.Di tulad ni tessa, si cherelle ay walang problema sa paginom ng tubig. Ang nagpapahirap lang sa kanya ang ang mabasa ang kanyang balat. Kayat umiiwas sya na maulanan. Nagpasuri na rin si Cherrelle sa doktor ngunit hindi rin nasolusyunan ang kanyang problema bagkus ay tila lumalala pa ito habang tumatagal. Dahil uso na ang social media ay naghanap si Cherelle ng mga taong may katulad ng kanyang kondisyon at hindi naman ito nabigo. Laking tuwa ng makakita ng isang support group na nagbabahagi ng solusyon sa kanyang kondisyon. Saad ng ilang myembro ng nasalihang grupo ni Cherelle, dahil hindi naman inborn ang kondisyon nya at nakuha lamang nito ang allergy noong mabuntis, nagbigay ng teorya ang ilang myembro ng kanilang grupo na kung mabubuntis ulit si cherelle ay baka mareverse nito ang nangyari sa kanya. Tila hulog ng langit ang mga myembro ng nasabing grupo. Dahil sa parusang dulot ng kanyang kondisyon ay sinunod ni Cherelle ang sinabi ng mga ito.
Nang mabuntis ang babae sa kanyang pangalawang anak, pagsapit ng ika anim na linggo ng kanyang pagdadalang tao ay himalang nawala ang kanyang allergy sa tubig. Ito ay napatunayan ni Cherelle ng sya ay maligo. Hanggan sa kanyang panganganak ay hindi na muli nya naranasan ang pangangati at pagkakaron ng rashes sa balat.
Sa ngayon ay abala si Cherelle sa kanyang youtube channel upang magbahagi din ng mga tips tungkol sa kalusugan.
Alexandra Allen
Isa sa mga may ganitong kaso ay si Alexandra allen. 17 years old at taga mappleton, utah.Habang nasa bakasyon noong sya ay 12 years old pa lamang, matapos ang paliligo sa swimming pool,nagising na lamang si alexandra na puno ng rashes at pangangati ang katawan. Tumagal pa ng dalawang taon bago tuluyang natukoy ang kondisyon ni alexandra at sinabi nga ng kanyang dermatologist na siya ay may aquagenic urticaria. Simula ng sya ay madiagnoseday naging vegetarian na si Alexandra mula noon. dalawa hanggang talong beses kada linggo na lang din ito maligo at iniiwasan nya ang magpapawis. Bukod dito, upang maiwasan ang rashes ay diet coke na ang iniinom ng dalaga imbes na tubig.
Hanggang sa ngayon ay wala paring permanenteng solusyon sa nasabing kondisyon at tanging inirereseta lamang ng doktor ay panandaliang lunas lamang.