Home / Alamat ng Chocolate Hills (Buod)
Noong unangpanahon sa bandang buhol ay may kwento kung paano nagumpisa ang “chocolate hills”.
Ang lugar ngBuhol ay dating purong kapatagan lamang ito. May pagka maputik ang lugar pagtag ulan pero pagkatapos naman at dumating ang tag araw ay nagiging bitak bitaknaman ang lugar.
Isang arawmay dalawang higante na napadpad sa kanilang pulo. Dahil sa sobrang nakakatakotang dalawang higante na ito ay nag alisan muna ang mga tao.
Matapang angdalawang higante at dahil nga sa maganda ang pulo ang bawat isa ay inaankin angkapuluhan. Nag umpisang mag away ang dalawang higante.
Dahil sanapikon ang isang higante, dumakot ito ng putik at ibinato sa isang higante.Gumanti din ang isang higante, dumakot din ng putik at binato ang kanyangkaaway.
Patuloysilang nagbabatuhan hanggang sa mapuruhan ng isang higante ang kalaban nya.Bumagsak ito at kalaunan ay namatay.
Sa labis nakasiyahan, ang natirang higante ay napatalon ng napatalon, sa kanya na ngayonang pulo. Pero sa sobrang katuwaan naman nya, inatake ito sa puso at namataydin.
Pagkalipasng matagal na panahon, bumalik ang mga tao sa pulo at nakita nila wala na angdalawang higante pero natira naman ang kumpol kumpol na putik dahil sa pagaaway ng dalawang higante. Dumating ang tagtuyot at tinubuan naman ng mga damoang mga kumpol ng lupa. Mala tsokolate ang kulay ng mga tumpok na ito.
Dahil wala ngpanganib sa lugar, dito na tumira ang mga tao at pagtagal ay tinawag nilang “Chocolate Hills” and kanilang lugar.
Aral sa Alamat ng Chocolate Hills
Maging mapagbigaysa isat isa, walang buti na idudulot ang pagiging makasarili.
Subukan mo ding basahin ang ibang mga Alamat: